Chapter 20

89 1 0
                                    

Althea's POV

Nandito kami ngayon sa ICU. Pagka galing kasi ni dave sa emergency room, agad siyang pinalipat ni tita dito sa hospital sa manila. Hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising.

"Thea, kumain ka muna." Sabi sakin ni ate bianca.

"Sige ate. Mamaya na lang."

"Magagalit sayo niyan si dave. Kaya yan ng kapatid ko!" Ngumiti na lang ako sakanya.

"Ate anong oras ulit visiting hours?" Nakalimutan ko na kasi. Hindi na nga ako masyado nakikinig sa mga sinasabi ng doctor e.

"12 to 1pm tapos 5 to 6pm."

Napatingin ako sa relo ko, Malapit na mag 5pm. Mamaya pa lang dating ng mommy at daddy ni dave. Sila john naman on the way pa lang. Sila chelle kumukuha ng damit at pagkain kasama ni mama. Si ate bianca sumaglit dito pero kailangan niya din bumalik sa company nila.

Maya maya, nakapasok na din kami sa loob. Nasa private room siya ng ICU. Nasa may pintuan lang ako samantalang si ate bianca lumapit na kay dave. Nagtagal siya dun ng mga ilang minuto. Nung natapos na siya sa sasabihin niya, tinawag na niya ako.

"Oh sige dave. Iwan ko na kayo ni althea ah. Babalik din ako mamaya tatapusin ko lang yung meeting ko sa office. Pagbalik ko dapat gising ka na ha. Loveyou bro!" Sabi ni ate bianca sabay halik sa noo ni dave.

"Maiwan na muna kita. Lalaban yan si dave para sayo."

Hinawakan ko agad kamay niya nung paglapit ko sakanya.

"Hindi ako iiyak. Hindi kita iiyakan. Ang daya mo naman e. May pa see you later ka pang nalalaman dyan tapos sa ganitong lagay kita makikita? Hindi talaga ako iiyak." 

Pero pumiyok na ko sa huli kong sinabi. Naramdaman ko na lang yung pisngi ko na basa na.

"Sibuyas ka ba dave? Tinitignan pa lang kita, naiiyak na ko. Babanatan talaga kita pag hindi ka dumilat dyan. Wag mo na ko lokohin. Hindi nakakatuwa. Basta hihintayin kita. Kahit ilang taon pa abutin bago ka magising, hihintayin pa din kita kaya wag ka matakot na wala ka ng althea na babalikan. Lagi ako nandito. Wag ka bibitaw kasi hinding hindi kita bibitawan."

Wala na kong pakialam kung paglabas ko dito sobrang wasted na ng mukha ko. Ayaw talaga tumigil ng mga luha ko.

"Mahal kita. Sobrang mahal kita dave. Walang iwanan ha?"

Lumabas na ulit ako kasi tapos na yung visiting hours. Kung pwede lang matulog sa tabi niya, matutulog talaga ko kahit nga sa lapag lang e. Kaso hindi kaya dito na lang ako sa may labas. Okay lang sakin. Para kay dave, lahat gagawin ko.

Nakatulala lang ako ng biglang may yumakap sakin.

"Althea.. my son. My dave." Sabi ni tita nat habang yakap ako. Wala ako masabi sakanya. Para bang nawalan na ko ng boses. Nanatili lang akong nakatulala.

"Althea, kumain ka muna. Kami na bahala dito, baka ikaw pa magkasakit." Sabi ni tito ced.

Wala pa din akong imik. Ayoko magsalita. Baka mamaya niyan maiyak pa ko lalo. Nakita ko na lang silang pumasok sa loob ng room. Kausap nila yung doctor. Biglang dumating naman sila john.

"Thea, kumain ka na-" Sabi ni josh.

Pinutol ko agad yung sasabihin niya. Gusto kong malaman kung ano ba talaga yung nangyari.

"Anong nangyari?"

"Last two minutes na yun ng game. Pagka rebound niya, natumba sakanya yung isang player. Akala namin bola lang yung tumama yun pala ulo niya. Sobrang lakas kasi ng pagbagsak niya sa sahig." Sabi ni lance.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon