Chapter 3

592 15 7
                                    

One month ko na siyang gusto at naka isip na din ako ng tatawag sa kanya. Batman. Taas tass kasi buhok, matangkad tapos ang angas ng dating. Basta naisip ko agad sakanya si batman. Pagka uwi ko ng bahay, naka receive ako ng GM (Group Message). 

From: Ika

"CRUSH NI JOHN TAN SI ALTHEA CRUZ! :"> <3"

Here at green garden with john, tricia, miguel and danica.

GM.

OMG! Totoo kaya yun? So tinext ko agad si ika. Tinanong ko kung totoo. Sabi niya lang sakin, tanungin ko daw si john. As if nman matatanong ko yun, baka pagtawanan lang ako. Halata naman sakin na umaasa lang ako. Lagi naman eh. "Hay althea, kawawa ka naman. " Yan lang nasabi ko sa sarili ko. 

The next day. Pag pasok ko ng classroom lahat sila " YIEEE! CRUSH KA DAW NI JOHN AH!" Hindi ko na lang sila pinansin. Paasa. 

Hindi ko alam magiging reaksyon ko eh. Sabi ko lang sa kanila "Sus. Hindi yan totoo. Imposible na magustuhan ako nun" Sabay fake smile para makita nila na di ako naapektuhan. Pero deep inside, sakit eh. Habang naka upo ako, bigla akong nilapitan ni miguel. Nagtanong ako sa kanya kung totoo ba yung GM ni ika. Tutal kasama naman siya.

" Yung GM ni ika, totoo ba? " Tanong ko.

"Ah, yun... ano" Parang nag aalangan siyang sabihin. Sabi ko na nga ba. 

"Ano nga?!" Halos pasigaw kong sabi sakanya. Ayaw pa kasi sabihin sakin.

"Eto na po, naglalaro kami ng uno. Sabi nila pag natalo si john, I GGM daw nila na crush ka niya, nag agree naman si john, Ayun. Natalo siya pero baka naman sinandya niya magpa talo. Yie" Inasar pa ko ni miguel. Asa naman diba. 

"Gago ka, kayo. Bwisit. Paniwalang paniwala na ko eh. Buhay nga naman." Parang nakonsensya naman siya dahil sa reaksyon ko.

Ngayon na yung contest namin, yung cantata. Kalaban namin buong batch ng highschool. Bigla ko siyang nakita. Naka white shirt, yung v neck tapos naka white pants. Kasali siya! Hay, lalo naman ako na inlove sakanya. Ang gwapo niya talaga, araw araw na lang. Jusko naman john, pansinin mo naman ako. 

Bumaba na kami para panuorin yung contest, syempre sa harap kami uupo. Ginawa kong excuse na i cheer yung batch namin pero gusto ko lang makita si john ng malapitan. Natapos na yung ibang batch, sila john na! Kakanta na siya! Buong performance nila, nakatingin lang ako sakanya. Sarap panuorin. Tapos mayamaya inannounce na yung champion. Champion kami! gusto ko siyang i congrats, kaso nahihiya ako. 

Ang bilis ng panahon, Christmas party na. May dala akong malaking paper bag, syempre gifts sa mga friends ko. Dapat bibilhan ko siya eh. Kaso nahihiya ako, baka naman hindi niya tanggapin. Sayang effort ko, pupunta ako sa section niya  para ibigay sa friend ko na classmate niya, habang paakyat kami. Naka salubong ko siya sa stairs,  nagkatitigan kami. Ang gwapo talaga. Yan lang nasasabi ko sa tuwing nakikita ko siya. Parehas pa kami na naka green. Meant to be talaga. 

Sige lang althea. Asa more para hurt more. 

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon