Chapter 13

542 13 13
                                    

Althea's POV

"Sige na althea, habulin mo na si dave. Ako na bahala kay camille."

Napatingin ako kay john at tumango. Hindi talaga ako pababayaan nito. Buti na lang nandyan siya. 

Naabutan ko si dave sa may parking lot. 

"DAVE!" Lumingon ka please. Pero hindi siya lumingon. Tumigil lang siya sa paglakad niya. 

"Oh?" Sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan. 

"Anong oh? Gago ka talaga! San ka pupunta? Akala ko di mo ko iiwan?" 

"Aalis na ko. Pupunta na ko ng canada."

"Ano? Dave wag ka magbiro ng ganyan!"

"Para sayo to, alam ko namang mahal mo pa rin si john. Ayoko na ipilit pa sarili ko sayo."

"Tangina dave! Anong kagaguhan nanaman to? Kung nagbibiro ka, tama na. Hindi na ko natutuwa."

Humarap na siya sakin at nagulat ng makita akong umiiyak. Tanga. Manhid. Hindi ba halata sa boses ko na umiiyak ako? Bwisit. Nagulat ako ng bigla dumating si john at camille. 

"Pre, makinig ka kay althea. Nagkaron kami ng deal. Nung nagpunta kami sa roof top, pinag usapan namin na kalimutan na namin ang isa't isa. Pero mag kaibigan parin namin kami. Tanggap na namin na hindi kami para sa isa't isa. Ikaw ang mahal ni althea! Ikaw naman camille, ikaw mahal ko! Intindihin niyo naman kami. Pre, wag mong iwan si althea. Iniwan ko na siya dati, wag mo naman gawin sa kanya yun. Diba mahal mo siya?"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni john. Linapitan agad ako ni john para patahanin at yakapin. Pilit niya ko pinapatahan pero ayaw tumigil ng pesteng luha. 

"What? Ohmygod! I didn't know. I'm sorry." Sabi ni camille.

Bumitaw ako kay john. Nakatingin lang sakin si dave. Wala siyang sinabi at dumiretso na sa sasakyan niya at umalis. Na iwan nanaman ako.

Hinatid ako sa bahay nila john at camille. Wala akong ginawa sa kwarto kundi umiyak ng umiyak. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si dave. 

Naka ilang ring ito bago sinagot. Hindi ako nagsalita. Hindi din siya nagsasalita. Wala akong pakialam kung marinig man niya yung iyak ko. Gusto ko lang yung ganito. Kinalma ko muna sarili ko bago magsalita sa phone. 

"Dave.. wag ka na umalis please. Sabi mo walang iwanan diba? Bakit ikaw ngayon yung mang iiwan? Ang daya mo naman e. Akala ko ba parehas tayo ng school sa college natin? Akala ko ba hindi mo ko papaiyakin? Bakit puro akala na lang dave. Sumagot ka naman oh!" 

Hinihintay ko siya magsalita pero wala pa din. 

"Pipi ka na ngayon? Dave naman. Wag mo ko iwan. Mahal kita. Mahal na mahal. Ang gago mo naman para sabihin na si john pa din. Kaibigan ko na lang yun e. Ikaw mahal ko. Ikaw lang. Kinikilig na yan.. Yie si babe, hindi na yan aalis. Makikipag kita na yan sakin bukas.."

Iyak tawa ako habang sinasabi ko yan. Pero wala pa din sagot mula kay dave. Nung nawalan na ko ng pag-asa, naisipan ko ibaba na yung phone. Pero nagulat ako ng magsalita na si dave. 

"Mas mahal kita."

Ngayon na alis ni dave papuntang canada. Nagpunta ko sa bahay nila ng maagang maaga, pero wala na siya dun. Nalaman ko na hindi na niya pwedeng bawiin yun kasi ineexpect siya ng dad niya dun sabi nung kasambahay nila. 

Huli ng makarating ako sa airport. Hindi ko na siya naabutan. Habang naka upo ako sa may grass, sa likod ng airport, may lumapit na bata sakin. May dalang flowers at letter. Tinanong ko kung kanino galing, ang sabi niya, basahin ko na lang daw. 

Hi babe :)

Alam ko sinundan mo ko sa airport. Sorry. Hinintay kita pero wala na. Aalis na kami. Hindi ko naman naisip na talagang mahal mo ko. Sorry. Akala ko kasi si john lang kaya mong mahalin pero swerte ko pala, kasi mahal mo ko. Sorry if I act like a jerk. Ang saya ko talaga nung nalaman ko na talagang mahal mo ko. Hindi naman kita iiwan e. Babalikan kita. Hintayin mo ko ah. Pero pag may nagustuhan kang iba, sabihin mo lang. Hahayaan kita basta masaya ka. Mamimiss kita ng sobra, yung mga tawa mo, yunga mga ngiti mo, pag galing sa training makita lang kita wala agad mga pagod ko. Lalo pag niyayakap mo pa ko kahit ang dami ko ng pawis. Binilin naman kita kay ate at paolo. Basta, lagi kita tatawagan. Araw araw, pag gising ko at bago ako matulog. Kahit mag ubos ako ng load. May skype pa naman, facebook, twitter. Alam kong kaya natin yung long distance relationship. Ingat ka lagi, kasi pag nawala ka, di ko alam gagawin ko sa buhay ko. Sorry hindi ako nakapag salita kagabi, natatakot ako na baka hindi ako makaalis. I love you mrs.guzman! 

-Dave 

Right Here WaitingWhere stories live. Discover now