Chapter 2

638 17 11
                                    

Walang araw ata na hindi ko siya nakikita, basta kapag lunch na tapos hindi ko pa siya nakikita, ako gagawa ng paraan para makita ko siya. Habang nag didiscuss yung teacher namin, bigla siyang dumaan kasama mga kaibigan niya sa classroom. Tinawag agad ako ng mga classmates ko, tingin naman ako sa labas. Napa smile ako dun, gwapo kahit side view. Gusto ko ng lumabas nung time na yun. Yung teacher kasi, ayaw pa magdismiss ng klase eh lunch nanaman. Bwisit. 

Lunch time. Kumakain kami sa labas ng bestfriend ko ng biglang tinulak sakin si john.

"Aray!" Sigaw ko. Natapakan niya kasi paa ko.

"Ano ba naman yan john, mag sorry ka nga" Sabi ni michelle. 

"Hindi naman ako yun" Pagka sabi niya nun nag smile siya. 

"Grabe talaga siya, Hindi man lang marunong mag sorry" Reklamo ko kay michelle. 

"Sus, gusto mo naman. Kunwari ka pa" Asar sakin ng bestfriend ko.

"Sa totoo lang michelle, hindi naman talaga masakit eh, nag aray lang ako para mapansin" Natatawa kong sabi kay michelle.

"Alam ko. Kilala kita" Nagtawanan na lang kaming dalawa. Siya lang talaga nakakaintindi sa mga kabaliwan ko. 

Friday nanaman, dumating nanaman yung araw ng mga club namin. Ang club ko ay holy youth. Religious org yun sa school namin. Banal kasi ako. Boring naman dito, pero okay lang. Atleast magiging mas close ako kay God. Pero parang nasa kumbento.

Habang hinihintay namin yung moderator, bigla ako napatingin sa labas at nakita ko dun sila John.

" ALTHEA! TAWAG KA NI JOHN!" Sigaw ni daniel. Hindi ko na lang pinansin, alam ko naman na trip lang yun.

"UY! GAGA! SI JOHN! NASA BACK DOOR!" Sigaw naman ni michelle. Ano ba naman tong mga tao na to. Puro sigaw. Kaya tumingin na lang ako sa back door. 

Pagtingin ko, Omg. Nandun nga siya. Ang gwapo talaga. Jusko, nakatingin pa siya sakin. Nakaka inlove lalo. Sana ganito lagi.. Sana. 

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon