Chapter 14

94 5 0
                                    

Althea's POV

Almost two years na din nung umalis si dave. Pero going strong pa din kami. Minsan nagkakausap kami sa skype pag hindi kami busy. Parehas na kaming college ngayon, at parehas din kami ng kinuhang degree. Business Ad.

Nag-aaral ako sa isang university kung saan din nag-aaral si michelle. Magkaiba lang kami ng degree kasi ako business, siya naman med course. Second year college na kami. 

"Chelle, anong date ngayon?" Tanong ko sakanya habang naka upo kami sa may court at nagbabasa ng libro. 

"November 11. Girl! Anong meron ngayon?"

"Anniversary namin!"

"Oo nga e. Ang tagal na din natin no."

Na isip ko kasi na eto sasabihin ni dave kung sakaling nandito man siya. Natawa naman ako kasi parang narinig ko boses ni dave. 

"Ano ba yan chelle. Naiisip ko tuloy ikaw si dave. Boses mo kasi!"

"Thea? Itigil mo muna pagbabasa mo. Si dave ba yun?!" Hindi ko na lang siya pinansin. Lagi naman ako niloloko niyan e. 

"Tumigil ka nga. Wala ko time sa mga joke mo."

"Babe?" Believe na talaga ako kay chelle. Gayang gaya yung boses.

"Ni record mo ba boses nila para may pang prank ka sakin?"

"Girl.. hindi ako yun."

Titingin sana ako sakanya kaso may biglang kumuha ng libro ko. Shit. Totoo ba? Siya na ba to? Nanaginip ba ko? 

"Dave?" Sinampal ko sarili ko pero ganun pa din. Nagulat ako ng hinila niya ko patayo para yakapin.

"Happy 3rd anniversary babe!" Siya nga. Nakakamiss pala to. Hindi na sana ako aalis sa pagkayap pero siya tong unang bumitaw. Kainis. 

"Kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo sinabi?" 

"Kanina lang."

"I miss you!" Sabay yakap ko ulit sakanya. 

"Hug lang? Nasan yung kiss ko?" Tumingin ako sakanya tapos ngumuso siya. 

"Nandyan si chelle. Mamaya na."

"Bwisit. Oh ayan, aalis na." Natatawang sabi ni chelle. 

"Wala na. Nasan na?" 

"Mamaya na sabi."

"Ah, teka. Eto oh, kainin mo muna." Binigyan niya ako ng isang fortune cookie. 

Hindi na napagilin ni dave at siya na ang nagbukas ng cookie at sinubo sakin. May nakita akong papel kaya kinuha ko yun. 

"WILL YOU MARRY ME?" Sabi ko kay dave. 

"Nagpopropose ka ba babe? Yes. I will marry you!" 

"Abnormal ka! Binasa ko lang yung nasa papel na to."

Tumawa na lang si dave. 

"Pero seryoso, will you marry me?" 

"Dave naman.."

"Hindi naman ako nagmamadali e. Sagot mo lang kailangan ko."

Umiwas ako ng tingin sakanya. 

"Ano sagot mo?"

"No. Sorry dave."

"ANO?"

"Malay mo bukas di na kita mahal. kasi mahal na mahal na pala kita, Of course, I will marry you."

"Kinabahan naman ako dun!"

"Oh ayan. Okay na ha."

Mayamaya, pumunta siya sa gitna ng court at sinigaw ang mga salitang to. 

"I LOVE YOU ALTHEA SANTOS CRUZ GUZMAN!"

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon