Chapter 18

79 2 0
                                    

Althea's POV

Ilang weeks na din yung nakalipas simula nun nag away kami ni dave. Kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya, ako pa din yung nag eeffort para kausapin siya. Wala e. Ganun talaga.

Nagulat na lang ako ng napatingin ako sa date ngayon. December na pala. Hindi ko man lang napansin yung araw sa sobrang pag iisip ko kay dave. Baka bukas o sa isang araw nandito na si john. Nung nag usap kami ni chelle tungkol sa pagdating ni john, akala ko may nararamdaman nanaman ako sakanya. Excited lang pala ako makita siya. Tsaka nag-alala ako sakanya dahil dun sa panaginip ko.

Ako lang tao sa bahay ngayon. Nagpunta kasi si mama kay tita. Maya-maya pa, nakarinig ako ng mga maiingay sa labas tsaka sunod sunod yung pag dodoorbell.

"Hi althea!" Sigaw nila jenny, michelle, anne, lara, lance, daniel, at josh.

"Ingay niyo. Pasok kayo!"

Pumasok na sila sa loob pero nagulat ako sa taong nasa hulihan.

"John!" Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya. Ang tagal din kasi nung huli kaming nagkita.

"Whoa chill. Hindi halatang hindi mo ko na miss."

Hinampas ko na lang siya sabay kuha nung paperbag na hawak niya. Nakita ko kasi yung pepero pati yung toppo na pinabili ko.

"Bilis ng mata mo basta pagkain. Tara pasok na tayo sa loob."

Pagpasok namin sa loob, inayos na nila yung mga pagkain. Sinamahan ako ni john sa kitchen. Gagawa daw kasi kami ng smores.

"Maiba ako thea. Kamusta na pala kayo ni dave?"

"Okay naman kami."

"Parang hindi. Yung totoo?"

"May konting away lang kami. Hindi naman ganun ka grabe."

Hindi na naman siya nagtanong. Ayoko sabihin sakanya baka mamaya kausapin niya pa si dave tapos lumala pa away namin.

"Ikaw, may girlfriend ka ba ngayon?"

"Wala. Hindi ko trip mga babae sa new york. Sobrang liberated."

"Arte. Mahilig ka naman sa mga ganyan e."

Pinagtawanan na lang niya ko. Habang nireready ko yung oven lumabas muna ko ng kitchen para maligo. Iniwan ko na kay john yung pag gawa ng smores alam nanaman daw niya kung pano.

Nung bumalik ako sa kitchen para icheck yung smores sa oven, nakita ko wala dun. Kaya chineck ko yung ref. Tama nga ko. Nilagay niya nga dito kaya tawa siya ng tawa sa ginawa niyang kagaguhan.

May narinig akong nag doorbell akala ko naman yung pizza na yung dumating kaya nagulat ako ng makita si dave.

May topak talaga kahit kailan yung isang to pero masaya ako kasi okay na kami. Sobrang na miss ko tong lalaking to. Niyaya ko siya sa baba.

"Bakit ang tagal niyo? Alam na!" Sigaw ni jenny.

"Nag usap lang kami. Kayo talaga." Sabi ko.

Nakuha ng pansin ko si john. Ngumiti lang siya samin. Si dave yung mahal ko. Magkaibigan na lang kami ni john. Sigurado na ko dyan. Mabilis lang talaga ako madala sa mga bagay bagay.

"Ano gusto mo kainin?" Tanong ko kay dave.

"Teka smores ba yan? Bakit hindi melted?"

"Nilagay kasi ni john sa ref e." Natatawang sabi ni jenny.

Umiling iling na lang si john. Pero in the end, kinain pa din ni dave. Kinain na din namin.

"Hanggang kailan ka pala dito john?" Narinig ko na tanong ni anne.

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon