Epilogue

123 3 1
                                    

May minahal ako noon, lahat ginawa ko para mapansin niya ko. Akala ko nga hindi na ko makaka move on sakanya. Yung bang feeling mo, siya na talaga yung taong mamahalin mo habang buhay, pero sabi ko nga feeling mo lang yun. Madali kasi ako madala sa mga bagay bagay. Pero marami akong natutunan nung minahal ko siya. Nagawa ko siyang hintayin ng ilang taon. Nagawa ko siyang mahalin ng walang kapalit, kahit pa pinaparamdam niya sakin na hindi niya ko magugustuhan. Hindi ko naman siya minahal para mahalin niya din ako. Minahal ko siya kasi gusto ko. Hindi ako nanghihingi ng kahit ano mang kapalit.

Kaya nung dumating yung araw na nalaman ko na mahal niya pala ako, aaminin ko, sobrang natuwa ako nun. Pero sadyang mapaglaro yung tadhana. Malalaman ko na lang na mahal niya ko kung kailan nakalimutan ko na siya. Kung tutuusin, pwede naman talaga maging kami nung mga panahon na yun kaso may taong dumating na nagpagulo ng nararamdaman ko para kay john tan.

May bumangga nun sakin, pero hindi ko lubos maisip na magiging malaking parte siya ng buhay ko. Si dave guzman. Siya yung taong nagpaniwala sakin sa love at first sight. Siya yung taong sumalo sa lahat ng sakit na naramdaman ko kay john. Siya yung taong walang inisip kundi ako lang. Siya yung taong laging handang makinig sa mga problema ko. Siya yung taong minahal ako ng sobra sobra.

Naging masaya ako sakanya. Pinaramdam niya sakin kung gano niya ko kamahal. Kaya nung iniwan niya ako, nasaktan talaga ako nun. Pinuntahan ko siya sa airport pero huli na pala ako. Nabuhayan lang ako ng loob ng matanggap ko yung sulat niya.

Naghintay ako sakanya. Alam ko naman kasi na babalik siya. Binalewala namin yung layo namin sa isa't isa. Hindi kami nawalan ng communication. Kaya nung 3rd anniversary namin, hindi ko talaga ineexpect na dadating siya. Sabi ko nga ba, babalikan niya ko. Tiwala lang yan.

Dumating naman yung araw nag away kami dahil kay john. Dun ako sobrang nasaktan. Pinagdudahan niya yung pagmamahal ko sakanya. Parang pinamukha niya sakin na wala siyang tiwala sakin. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganun, natatakot siyang hindi ko pala talaga siya mahal. Pero okay lang, bago pa man siya humingi ng tawad, pinatawad ko na siya.

"Ocean's apart day after day

And I slowly go insane.."

Narinig ko nagsimula na yung kanta. Nandito ko ngayon sa isang concert sa school namin. Ilang taon na yung lumipas na wala akong nabalitaan tungkol kay dave. Kilala pa ba niya ko? Hindi ko alam.

"I hear your voice on the line

But it doesn't stop the pain.."

Sinubukan ko tumawag sakanya pero mukhang pati number niya, nakalimutan na din ako. Hindi parin ako susuko.

"If I see you next to never

How can we say forever.."

Nagawa ko maghintay sakanya dati. Kaya makakaya ko ulit ngayon. Pero iba na kasi yung sitwasyon e. Kung dati, may kasiguraduhan na babalik siya. Kahit magka layo kami, nag-uusap pa din kami. Pero ngayon, wala. Walang kasiguraduhan. Walang communication.

Naalala ko pa dati, nagigising ako sa madaling araw kasi tumatawag siya. Akala ko nga kung ano yung sasabihin niya, yun pala mag I-I love you lang. Yan ang pinaka namimiss ko sakanya. Yung pagiging sweet niya lagi. Oo, lagi. May topak man siya o wala, sweet pa din siya. Yung mga ginagawa niyang mga simpleng bagay sakin, malaking bagay na yun sakin. Lahat nga ng mga regalo niya, pinipicturan ko. Sa tuwing magkasama kami, hindi pwedeng wala kaming picture. Gumagawa kasi ako ng scrapbook. Walang nakakaalam nun. Balak ko kasi ibigay sakanya yun the day before the wedding namin. Kaso may maririnig pa ba kong mga wedding bells? Masasabi ko pa kaya sakanya yung vows namin? Makakapagsuot pa kaya ako ng wedding gown?

Siya pa kaya yung taong maghihintay sakin sa altar?

Kasal agad iniisip ko kahit walang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya. Simple lang naman, may tiwala ako sakanya. Si dave pa, mahal ako nun. Babalik yun para sakin.

Araw-araw, sumisilip ako sa bahay nila baka sakaling nakauwi na pala siya pero kahit boses niya, wala. "Nasaan ka na ba dave?" Minuminuto kong tanong sa hangin baka sakaling iparating ng hangin sakanya. Nababaliw na nga yata ako.

"Wherever you go

Whatever you do

I will be right here waiting for you.."

Kung saan-saan ako dinadala ng mga paa ko. Hindi kasi ako nagtitigil sa bahay pag wala si mama. Bawat sulok ng bahay namin, naaalala ko lang si dave. Hanggang sa isang araw,  napadpad ako sa may court. May nakita akong bata na umiiyak sa may gitna nung court.

"Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ko po ma shoot yung ball e."

"Hindi mo talaga ma shushoot yan kasi maliit ka pa. Pero alam ko, paglaki mo, maaabot mo na yang ring."

"Can you teach me?"

"I can't. Pero may kilala akong magaling mag basketball."

"Who?"

"Dave."

"Where is he? Can you call him?"

"He will be back soon."

"I will wait for coach dave! I will wait for coach dave!"

Napangiti na lang ako sa batang yun. Naisip ko tuloy yung magiging anak namin. Sabi pa nun ni dave, kailangan daw yung first baby namin dapat lalaki. Para turuan niya na agad mag basketball kasi kung hindi daw, gagawa daw kami ng isang basketball team.

"Whatever it takes

Or how my heart breaks

I will be right here waiting for you.."

Marami kaming plano ni dave. Sabi nila, hindi daw totoo yung forever. Pero samin ni dave, totoo yun.

"May tatanong ako sayo dave. Naniniwala ka ba na may forever?"

"Oo. Dave and althea forever."

"Seryoso kasi.."

"Mukha ba kong nagbibiro? Tayo magpapatunay sakanila na may forever."

Bawat sinasabi niya sakin, alam kong gagawin niya. Sabi nga nila, parang hindi daw ako napapagod maghintay. Sino may sabing hindi? Hindi ko itatanggi na sumagi sa isip ko na mag give up na lang. Na siguro, hindi talaga kami para sa isa't isa pero sa tuwing nakikita ko mga picture naming dalawa, sa tuwing inaalala ko yung mga panahon na magkasama kami, pag binabasa ko yung mga text niya, nabubuhayan ako ng loob. Nawawalan ako ng dahilan sumuko.

Maraming tao yung nagmamahal talaga ng totoo pero ilan lang yung kayang mag hintay para sa taong mahal nila.

Marami naman ibang tao dyan na pwede ko mahalin. Yung taong nasa paligid ko lang. Kaso hindi ko pwedeng pilitin yung puso ko.

"I wonder how we can survive

This romance

But in the end if I'm with you

I'll take the chance.."

Tadhana yung may gawa kung bakit kami nagkita, Tadhana yung may gawa kung bakit kami nagkalayo, kaya alam ko, tadhana din yung gagawa ng paraan para magkasama ulit kami. Hindi man ngayon pero alam ko balang araw, magkikita ulit kami.

Natapos na yung concert. Yun na pala yung huling kanta. Pero hindi magtatapos dito yung pagmamahal ko kay dave. Hanggang kailan ako maghihintay? Habang may althea cruz sa mundong to, meron pa ding dave guzman.

I will be right waiting for you dave.

--

Natapos ko na to dati pero naisip ko baguhin. From 13 chapters, naging 20 chapters. Yes, open ending to. Sorry kung ma didisappoint kayo pero ito na yung final. Thankyou sa lahat ng sumuporta! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon