Chapter 31: Fourth Child of Aries

9.8K 388 24
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo on twitter.

#Sabaw

--

"Our goal here is to save the civilians inside. Stick to that goal." Cooper commanded. Myron, Maxeen and I nodded.

We are now in front of the warehouse.

Kinakalawang na ang harap nito at hindi mo talaga maiisip na pwede pang magamit. I didn't have the chance to look around noong nandito ako dahil na rin sa sakit at pagod na aking nararamdaman noon.

"Here we go." Myron whispered.

Papalubog na ang araw. Pumosisyon si Chief at sa isang malakas na sipa ay agad niyang napatumba ang kinakalawang na pintuan ng warehouse. Nakagawa iyon ng ingay na umecho sa kalawakan ng loob.

Sabay sabay kaming pumasok, madilim at malawak ang buong lugar, may mga iilang lumang gamit na pang eskwelahan, mga lumang upuan, white board, at iilang mga kahoy at kinakalawang na metal.

"Tulong!!"

"Tulungan niyo kami please!" Napa igtad ako nang marinig ang mga boses na iyon. It's coming from the end of the warehouse!

Walang ano ano kaming tumakbo papunta doon! Sabay sabay kaming natigilan nang makita ang sitwasyon ng tatlo naming mga kaklase.

Napasinghap ako at napalunok. Rinig ko ang mga mahihinang sunod sunod na mura nina Myron at Cooper saaking tabi.

Sila Zyron. Nakapatong sa isang mahabang upuan, may tali sakanilang kamay na nakapirmi sa kanilang mga likuran, may takip ang mga mata at ang nakapag patayo saaking balahibo ay ang mga lubid na nakatali sakanilang mga leeg.

Kung titignan ang taas na pinapatungan nila, kung sino man ang gagalaw ng mga upuan na yan, nasisigurado ko na ang kahihinatnan nila.

I swallowed the lump in my throat! We can't prolong this anymore.

Lalapitan ko na sana sila nang hawakan ako ni Myron saaking braso. Marahas ko itong liningon.

"Easy T. Look.." Napatingin naman ako sa tinuro niya at nakakita ng mga lubid sa ibaba ng kanilang upuan, napasinghap ako nang makitang nakatanggal ang isang paa ng upuan. Naka patong lamang iyon kung kaya't nakakaranas ng pag uga sina Zyron. Shit. Panigurado ay may patibong diyaan kung sino man ang makakalapit sakanila.

"Fuck shit!" Cooper cursed.

"Please tulungan niyo kami.."

"Ayoko pang mamatay please!"

Mga sigaw dahil sa takot, iyak dahil sa sakit ang umaawit saaming mga tenga. Mula saaking kinatatayuan ay kitang kita ko ang hirap na naranasan ng tatlong ito.

"Thea!" Napalingon kami sa nag salita at bumungad saamin sina Sunny.

"Thea?!"

"Thea! Tulungan niyo kami! Thea!"

"Thea Please!!"

Shit!

"Fuck don't move!" Cooper shouted.

Sa kakagalaw nila ay mas nawawala ang isang balanse ng mga upuan, ang paang hindi nakadikit ay unti unting umuurong.

"Aalisin namin kayo diyan! Kumalma lang kayo." Ani ni Maxeen.

"I can't even.." Hindi na matapos tapos ni Sunny ang kanyang sasabihin. Nangingilid ang mga luha niya habang nakatingin sa kanila Zyron.

"Kunin na natin sila!"

The Signs (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora