Chapter 11: Mother

13.1K 551 22
                                    

"Thea?"

Napatingin ako saaking pinto nang may kumatok doon. Pang ilang tawag na iyan ng mga kaibigan ko sakin ngunit ang tanging nasasagot ko lamang sakanila ay ang malamig kong pakikitungo.

Dahan dahang bumukas ang pintuan at sumilip doon ang katawan ni Sunny.

"Thea. I just come here to tell you that.." Tumikhim ito at halata ko ang pagkabalisa at ang nerbyos na bumabalot sakanya ngayon. And that is really unusual for Sunny. "That someone is waiting for you outside." Pagpapa tuloy nito. Mag tatanong pa sana ako ngunit agad din niyang liniban ang aking kwarto.

Napailing na lamang ako at muling tumitig sa kalawakan ng dagat. Sa paningin ko ay parang naging madilim din ang tubig ng dagat, hindi ko alam ngunit mas nagustuhan ko ang itsura nito ngayon. Dahil tila ba ay sinasabayan nito ang damdamin na namumutawi saaking pagkatao sa ngayon.

Malalim akong napa buntong hininga at napayuko.

Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nang iwan ko si Auntie saamin. When I went home what I received from her was a very tight hug. I felt weird. Pero ngayon alam ko na kung bakit, she knew from the start na aalis din ako sa pamamahay na yun. That's why she knew about the field trip kahit na hindi ko pa naman sinasabi sakanya ito.

At kung alam ko lang...kung alam ko lang na ayun na ang huli naming pag kikita.. edi sana mas tinagalan ko pa ang yakap na ibinigay nito saakin.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang hindi maubos ubos na kumawala saaking mga mata. Sunod sunod ang patak nito na tila ba isang ambon.

I feel so helpless..

Wala man lang akong nagawa para mailigtas si Auntie. What I did was just to begged...begged for the enemy's mercy. And I obviously failed.

Sunny was right.

Hindi titigil ang kalaban dahil lamang sa sinigaw ko na tumigil na ito. What I have to do is to defeat them...or even kill them.

They took a life from an innocent person. Muling dumaan saaking memorya ang mukha ni Auntie na walang kalaban laban. Ang huling ngiti nito saakin at ang mga mata niyang mulat nang tuluyan siyang burahin sa mundong ito.

Mariin akong napakapit saaking kumot.

They are heartless. Wala silang puso. Hindi alintana sakanila ang pumatay ng kahit na sinong tao as long as napapatunayan nila ang dapat nilang patunayan.

Tandang tanda ko pa ang mga mata nang mga taong dumukot saaking Auntie. And I swear, I'll do anything just to find them and give the justice that my Auntie deserves.

Pagod na akong manahimik at pagod na rin akong mag makaawa! Ito na ang huling pagkakataon na maririnig nila ang pag mamakaawa ko dahil sa susunod na mag kaharap harap kami, sila naman ang mag mamakaawa para sa buhay nila.

Binitawan ko ang kumot na nagusot na saaking hawak. Hindi ko na ito namalayan dahil sa pait at galit na aking nararamdaman.

Muling tumunog ang aking puntuan at hindi ko na mapigilan ang mapa rolyo ang aking mga mata.

"Sunny, hindi ak---" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang makita ang taong nakatayo sa bukana ng aking pintuan.

Tanging pag titig lamang nagawa ko sa taong ito.

Her eyes are similar to mine. Ocean blue. Her hair, nose and even her skin. We look like twins.

Ang pinag kaiba lamang ay makikita mo ang deperensya namin sa edad. Naka mahabang bestida ito na kulay puti na sumasayad sa wooden floor. Napalunok ako at hinanap ang aking boses.

The Signs (COMPLETED)Where stories live. Discover now