Chapter 26: Lying

9.8K 402 70
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo on twitter.

I'll take #TheaRon as Thea and Myron's official ship name!

--

Simula noong nawala sa landas namin sina Myron at Cooper ay hindi na namin sila nakasama sa mga sumunod na oras.

Seven P.M na at andito kaming lahat ngayon sa Dorm. We're talking about the upcoming Party na gaganapin din agad bukas.

"Wait, pano kami mag aayos kung hindi pa rin pwede lumabas?" Ani ni Maxeen.

"Sa pagkaka tanda ko ay may mga iniimbitang tao ang school para mag ayos sa mga estudyante at mag deliver ng damit." Sagot ni Luke.

Tumango si Maxeen kasabay nang pag bukas ng pintuan at linuwa nito si Jason.

Si Jason na simula noong may nangyare sa Court ay hindi na namin naaabutan dito sa dorm kung minsan, ni hindi na nga namin siya nakakasama sa klase o kahit sa pagkain lamang.

We all have that one friend na kinain na ng pag ibig.

"Wow. Welcome back ha?" Sunny said sarcastically. Liningon naman kami ni Jason na may blangkong ekspresyon.

"Thanks." He replied.

Napa irap si Sunny at bumulong ng kung ano ano.

"What's happening to you bro?" Liningon din ni Ansley si Jason na ngayon ay nakaupo sa isa sa mga upuan doon.

Nag kibit balikat ito at ngumisi.

"I'm just inlove." Simpleng tugon nito. Napairap ako sa kawalan. What a lame excuse.

"You already forgot our mission do you?" Malamig na ani ko rito.

Okay, wala akong against na makipag kaibigan sila sa kahit sino o kahit kailan nila gusto, I'd be glad pa nga dahil nag oopen sila sa ibang tao. But to think na hindi na nila nagagampanan ang responsibilidad nila? Ibang usapan na ata yun.

Malalim na napa buntong hininga si Jason at napailing.

"Sorry guys, this relationship thingy is all new to me. Gusto ko lang ibigay ang best ko." Kitang kita ko naman sa mata ni Jason ang sinseridad, at ngayon ko lang napansin na wala na ang kanyang contact lens revealing his dark red eyes.

"You're not wearing your contacts, What did Lala said about that?" Napakunot ang noo ko nang mag hagilap ng isasagot saakin si Jason.

Something's not right...

"O-okay lang daw. Nagustuhan n-niya nga eh." Iwas na ani nito. Lihim akong napa ngisi.

You're a terrible liar fourth child. Like what I've said, one of Aries's trait is honesty. Malalaman at malalaman ko rin kung ano yang tinatago mo Jason. And one trait that Aquarius has? We can determine if you're lying to us or not.

Binitawan ko nalang yung topic at nagkibit ng balikat.

"Mas okay pre kung after party may surpresa kang ibibigay kay Lala." Luke suggested.

Napangisi si Jason at napayuko.

"Meron naman talaga eh." Rinig kong bulong nito ngunit hindi ko nalang pinansin.

Tumunog ang knob at bumukas ang pintuan, ilinuwa nun ang dalawang nawawala kanina pa.

Napa kunot ang aking noo nang makita ang kalagayan ng dalawa.

"What the heck happened to the both of you?!" Sunny exclaimed.

Pawisan ang dalawa at kitang kita ko sa inuupuan ko ang magang panga ni Myron at ang mga labing putok ni Chief.

They look like they had a fight, a one hell of a fight!

Diretso ang lakad ng dalawa sa kama. Walang pinansin ni isa saamin. Si Myron sa kama nila ni Ansley at si Chief sa kanyang sariling kama.

Walang nag salita sa dalawa at basta nalang na humiga at natulog sa kanya kanyang kama.

"Bukas na natin sila kausapin, mukha silang pagod at wala sa mood." Suhestyon ni Luke.

May sumundot naman saaking tagiliran, napa igtad ako at marahas na lumingon.

"Haba ng hair mo besty!" Hagikhik ni Maxeen na hindi ko naman nakuha.

My hair's shoulder length, pano naging mahaba iyon?!

"Mag papahinga na rin ako, pagod ako." Saad ni Jason at dumiretso na sa kama nila ni Luke.

Nagsi puntahan na sila sa kanya kanyang kama. Tumayo ako sa higaan naming tatlo nila Maxeen at lumabas.

I need air.

Pinag krus ko ang aking mga braso saaking dibdib at napaisip.

Wear what you feel; black out party.

Apparently, the name of the party speaks for itself.

We're still gonna wear gowns and tux but with a twist.

Kung ano ang nararamdaman ng taong iyon ay yun ang dapat na kulay ng kanyang susuotion. Red is for Confused, Blue is for inlove, black equals to frustrated people, yellow is for the happy kids and white is for the people that needs space.

I sighed.

Umihip ang malamig na hangin, hinaplos ko ang aking braso upang maibsan ang nararamdamang lamig.

About the party, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa puntong ito. I think I'm confused and I need space.

Masyadong mabilis ang pangyayare..

Napaigtad ako nang may maramdamang malambot na bagay saaking balikat. Marahas akong napalingon at nanlaki ang aking mga mata nang makita si Vlad.

"W-what are you--"

"Easy Thea. I mean no harm. I just want to talk to you." Saad nito at humarap sa mga puno. Pinamulsa niya ang kanyang dalawang kamay at malalim na napa buntong hininga.

I'm so tired pushing him away, plus if ever na may gagawin siya saakin, I can protect myself.

Malalim din akong napa buntong hininga at yinakap ang tela na ipinatong niya saakin.

"What do you want?"

"Thea," naramdaman ko ang pag harap niya saakin ngunit nanatili akong nakaharap sa mga puno. I don't want to look at his eyes. "I know that our life's complicated, lalo na saating dalawa. But damn it!" Marahas siyang napa buga ng hininga. Nanatili akong tahimik at hindi kumikibo. "I like you. I really do, I'm willing to break the rules just to be with you." This time, hindi na ako nakapag pigil at liningon na rin siya.

Nag susumao ang kanyang mga mata, magulo ang kanyang buhok at nag tataas baba ang kanyang dibdib na tila ba malapit na siyang sumabog.

"Do you really think na maniniwala ako sa mga sinasabi mo?" Ani ko rito.

"I know but..I want you to know na hindi ako masama gaya ng--"

"Oh please!" I cut him off. "You killed innocent people! Hindi lang dito sa loob kundi pati sa labas! So that's the new definition of being nice now?!" Marahan ngunit may diin kong ani rito. Hindi na siya nakapag salita sa sinagot ko sakanya. Saglit na katahimikan...

Napakagat ito sa kanyang pang ibabang labi, nag angat ito ng mga mata saakin at kitang kita ko ang frustration doon, kinunutan ko siya ng noo.

What do you want Vlad? Damn you!

"You are meant to be with me Thea. As the first child of Aquarius and I as the first child of Capricorn. Well, fuck it! Fuck our signs coz I don't really care! The moment na nakita kita sa gym, I just knew that..that youre--"

"Shut it Vlad!" I cut him off again! I don't want to hear anything from him anymore! Marahas kong tinanggal ang tela na naka patong saakin. Ibingay ko iyon sakanya at matalim siyang tinignan.

"Leave me alone Cortez. Stop lying to me, and lastly, don't you dare hurt these innocent people nor my friends. Just so you know," Saad ko at humakbang. Tumigil ako sakanyang gilid at bahagyang siyang tinignan. "Your team killed my Auntie. At hindi ako mag dadalawang isip na ibalik sainyo ang ginawa niyo sakanya." Mariin kong ani rito at iniwan na siyang nakatayo doon.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon