Chapter 16: Luke Regalado

11K 435 13
                                    

"What?!" Napatayo si Sunny sakanyang inuupuan nang matapos ikwento ni Ansley ang kaganapan sa classroom kanina.

I knew that this would be her reaction.

"Calm down honey bee. It's okay. We experienced worse at Castra."

Tama si Ansley. Hindi kami matitinag nang dahil lang sa binuhusan kami ng tubig. We trained to be strong not just physically but also mentally and emotionally.

Kaya next time ay mas galingan pa nila ang pambbwiset saamin.

"Goodness! Samin walang ganyan! They're all friendly and tahimik! Mag palipat na kayo saamin like right now, let's go!" Tatayo na sana si Sunny ngunit natigilan siya nang mag salita si Jason.

"Let them be. Ansley and Thea are strong, wala lang iyon." Ani jason at dumukot ng Fries. "At isa pa, nasa klaseng iyon ang taong hinahanap natin." Napatingin ako rito.

"Wala siya sa loob."

"Because he's absent. I did my research so trust me." Ani nito at muling ngumuya. Well one of the trait that aries has is that they are honest. But short tempered.

Tumayo ako saaking upuan na agad na naka kuha ng kanilang atensyon.

"Sa dorm nalang tayo mag kita kita. I'll just continue my campus tour." Saad ko.

"Samahan ka namin!" Inilingan ko si Sunny at sa tingin ko ay nakuha niya naman ang nais kong ipahiwatig.

Agad kong linisan ang cafeteria at diretsong nag tungo sa Campus map.

There it is.

Agad akong nag lakad patungo sa Campus gym.

I can't believe that mamimiss ko pala ang pagiging estudyante. Noong varsity at estudyante ako ay wala akong ginawa kundi ang matulog. Depende nalang kung hindi ako pagod sa Training at lalo na kung may competition ako ng araw na yun.

And somehow I missed being normal. yung tipong ang inaaalala ko lang ay ang kung paano ko maipapanalo ang eskwelahan ko sa mga competition noon.

And now? May hinahanap akong isang binata na pinamanahan ng bato kung saan ito ang may hawak sa kapalaran ng buong mundo, and plus the fact that I am a moiety, Half human half Aquarius.

Pwede ko nang isulat ang buhay ko sa libro.

Tinulak ko ang glass door ng gym at bumungad agad saakin ang malawak na swimming pool.

Malalim akong napa buntong hininga.

I missed this. I missed the smell of it.

One day makakatawtaw din muli ako sa ganitong swimming pool. Perhaps pag binigyan kami ng free time ni Chief. Kung magkakaroon. tss.

"A newbie?" Napalingon ako sa nag salita. It's a man. How did he even get here without me noticing it?

"Who are you?" Balik na ani ko rito. Kung idedescribe ko ito, siya ay matangkad, hanggang leeg niya lamang ako, katamtaman ang kulay, at naka salamin ito. Liningon niya ang gawi ko, his eyes are pitch black.

Linahad niya ang kanyang kamay at tuluyan nang humarap saakin.

"I'm Vlad Cortez. From Section two. And you are?" I don't want to look rude kaya naman inabot ko rin ang kamay niya.

"Thea. Section four." Ani ko at agad na bumitaw sakanya.

Mataman ako nitong tinitignan at bahagyang naka awang ang kanyang bibig. Kinunutan ko ito ng noo na nakapag paiwas ng kanyang tingin.

He chuckled.

"I don't usually approach women."

"Should I be honored?" Tanong ko rito na ikinatawa niya.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon