Chapter 29: Bloody party

9.2K 465 66
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo

--

"Thea.."

"Wake up.."

Marahas akong napadilat nang maramdaman ang malamig na tubig na bumalot saaking ulo pababa ng aking katawan!

Dilat na dilat ang aking mga mata habang hingal na nakaawang ang bibig!

I just woke up. Napalinga linga ako sa paligid.

I don't know what or where place is this.

Napa angat ako ng tingin at agad na tumama saaking mga mata ang ilaw na naka sentro saakin.

I shutted my eyes tightly.

Dammit.

My head hurts like hell.

Where am I?

Why did I heard my mother's voice again? For a long time, ngayon nalang ulit..

"You're up!" Napa mulat ako ng aking mga mata at agad na nakita ang isang babaeng nakatali ng mataas ang buhok.

Lumapit pa ito saakin at ngayon ay kitang kita ko na ang kabubuuan ng kanyang mukha. She's tall, morena and has a raven long hair.

"Who are you?" Ani ko rito sa malamig na tono.

The girl chuckled. Mas linapit pa nito ang kanyang mukha saakin at agad na sumibol ang isang dagundong saaking dibdib.

Her eyes are orange.

"I'm offended. Kilala kita samantalang ako hindi mo kilala?" Saad nito na may sarkasmo sakanyang boses.

Bahagya kong ginalaw ang aking mga kamay na nakatali sa aking likuran. The rope's too tight...but I can still manage to get out of here.

Lumapit muli saakin ang babae at napadaing ako nang itukod niya ang kanyang paa saaking hita. She's wearing a freaking heels! Dammit!

Let me just get out of here and I swear I'll make her long hair short!

"Let me introduce myself to you, first child of Aquarius.." Ngayon ay kitang kita ko na ang gigil at galit sa mga mata nito. Mas diniin niya pa ang paang nakapatong sa aking hita kung kaya't agad akong nakaramdam ng hapdi doon. Shit! "I am Riza Corpuz, second daughter of sign, Leo." She said proudly.

Wow, Virgos gang are here.

Nginisian ko ito at tinignan sakanyang mga mata.

"Welcome to Sanchez University." Ani ko sa kabila ng hapdi na nararamdaman saaking hita.

Mas lalong nakita ang iritasyon sa mukha nung Riza at marahas niyang tinanggal ang paa na nakatukod saakin. Napababa ako ng tingin doon at kitang kita ko ang dugo na dumadaloy doon.

That's why it stings!

"You are really brave." Simula nito at nag lakad paikot saakin. "But guess what? I don't freaking care!" She said.

Kinalma ko ang kamay ko sa likuran para hindi nito mapansin ang plano ko.

"Anong kailangan mo saakin?" Mataman kong ani rito. "Ugh!" Muli akong napa daing nang hablutin nito ang aking buhok! I can feel her anger from her grip! Madiin ang pagkakahawak niya saaking buhok na tila ba gusto niyang lagasin ang mga iyon.

"You know exactly what we want. Bukod sa Miracle stone.." Linapit niya ang kanyang mukha saaking tenga. "I want to see your blood rushing out of your body." She whispered in my ear.

Kung ako ang dating Thea, baka nanginig na ako sa sobrang takot. But I'm different now, I've been through a lot. Threatening me doesn't affect me anymore.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon