Chapter 13: Ramon

12.4K 497 3
                                    

Every other day ang Update. Sa mga nag tatanong :)

Comments are highly appreciated! Thankyou! :)

--

Agad kaming nag tungo sa lugar kung saan dinala ng mga taga bantay ang natagpuang taga masid. Walang nag sasalita saaming lahat, tanging mga yapak lang namin ang nag iingay sa paligid.

Nang madaanan namin ang iilang tao ay ramdam ko rin ang tensyon sakanilang lahat. It seems like, naging alerto ang mga ito sa kung ano man ang nangyayare.

Narating namin ang aming destinasyon at napansin kong iilang pulgada lang ang layo namin mula sa gate. Ang mga taga bantay na narito ay mas naging seryoso at alerto. Mas nadagdagan pati ang mga naka aligid sa malaking kahoy na gate.

Napatingin ako sa lalaking hawak ng aking mga kasamahan, napansin ko agad ang dugong umaagos sa ulonan nito habang naka gapos ang mga kamay sakanyang likuran. Nakaluhod ito saamin at mabilis na nagtataas baba ang kanyang dibdib.

"What's with the blood?! Don't tell me..." Natigilan si Sunny sakanyang sasabihin nang dumating si Jason.

"Yes. I'm responsible for that. Sinubukan niyang tumakas, pero hindi niya naisip na huli na ang lahat dahil napapaligiran na namin siya." paliwanag ni Jason. Hindi na umimik si Sunny at marahas nalang na napa buntong hininga.

Nanatiling naka yuko ang nahuli at walang imik na nakikinig saamin.

Humakbang paharap si Cooper at umupo para maka lebel ang mukha nung nahuli.

"What's your motive coming here?" Ani nito sa malamig at matigas na inggles.

Kahit hindi ako ang tinatanong nito ay hindi ko maiwasan ang kilabutan sakanyang boses. The Chief doesn't talk a lot. Pero kapag siya'y nag salita, kahit wala kang kasalanan ay talaga namang manlalambot ang tuhod mo. Just his presence is already screaming for power and authority. Kaya na rin organized ang Castra hanggang ngayon ay dahil na rin sa pamamalakad at takot ng mga kasamahan namin dito.

Nag salita ang kapatid nito nang walang natanggap na sagot.

"See? He won't talk." Saad ni Jason at kitang kita ko sa mukha nito ang pagkaka ubos ng kanyang pasensya.

Kahit naka yuko ang lalaki ay kitang kita ko kung paano ito ngumisi, dumura pa ito sa gilid ni Cooper na naging dahilan para kumilos ang aming mga kasamahan.

Cooper held his hand that made them stilled.

"I'm a Virgo. I'm loyal. Sa tingin niyo ba ay mapag sasalita niyo talaga ako?" Napatingin kaming lahat dito nang mag salita ito.

"You ass--" hindi na natapos ni Jason ang kanyang sasabihin nang dumapo ang kamao ni Myron sa panga nung nahuli.

I heard sunny gasp but I remained silent and observant. Saglit kong liningon si Maxeen at Ansley at kitang kita ko rin ang tensyon sa pagkatao ng dalawa.

"Ramon." The chief speak. "This is not the first time na nakita kitang umaaligid dito." Napatingin kaming lahat kay Cooper at kitang kita mo sa pulang mga mata nito ang kaseryosohan.

"Eh bakit ngayon niyo lang ako hinuli? At kinupkop niyo pa ako dito? Why not kill me now?" Nag angat ng tingin si 'Ramon' kay Cooper at nahimigan ko roon ang kanyang tono na may halong pang aasar. Muling bumaba ng lebel si Cooper at mataman itong tinignan.

"Because we're not like you." simpleng ani nito at saglit na nakita kong sinubukang pumiglas ni Ramon sa mga taong naka kapit sakanya.

"Now.." Tumayo si Cooper at hinawakan ang espada na namamahinga sa kamay ng isang taga bantay. Napasinghap ako nang itutok niya ito sa dibdib ng aming bihag. "You know who I am Ramon, and the things that I can do." Malamig na ani nito.

Tuluyan nang nag angat ng tingin ang lalaki sa amin ng kanyang mukha. Umiigting ang panga nito habang nakatitig kay Cooper.

Tinignan ko ito sakanyang mga mata at..

Wait..

Natigilan ako nang mas lalo kong tinitigan ang kanyang mga mata.

"You." Wala sa sarili kong sinabi. Napabaling ito ng tingin saakin at saglit na dumapo ang pagka gulat sakanyang mga mata na agad na napalitan ng ngisi.

"Oh hey." Ani nito.

Dahan dahan ko itong linapitan. Unti unti kong inangat ang pang takip na nakalaylay sakanyang leeg. Marahan ko iyong tinaas hanggang sakanyang bibig.

I froze.

"How sweet." Sarkastikong ani nito.

Nanginig ang aking kalamnan nang marinig ang kanyang boses.

"This is just a warning.."

Nangilid ang aking luha nang marinig ang pamilyar na boses isang tao na ang nakakalipas.

It's him...

Hindi ako maaaring magkamali.

"Thea.." Marahas kong winaglit ang kamay na hahawak sakin at agad na kinuwelyuhan ang lalaking kaharap.

Those eyes and that voice that I will never forget in my entire life!

He's the one who killed my auntie. He killed her!

"Ikaw..Ikaw ang pumatay sa Auntie ko! Wala siyang kalaban laban at sa harap ko...sa harap ko mismo wala kang awa na pinatay siya!" Sigaw ko rito habang hawak siya sakanyang kwelyo. Nginisian lamang ako nito at tinitigan din ako saaking mga mata.

"Ang talas naman ng utak mo! Biruin mo yun, naaalala mo pa ako?"

"You son of a bitch!" Agad ko itong pinaulanan ng suntok sa mukha. Hindi ako nakuntento at tinayo ko ito mula sakanyang pagkakaluhod!

Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hinding hindi!

Muli ko itong sinuntok at mabilisang hinugot ang espada ng isa sa mga bantay. Napa handusay ito sa lupa at rinig na rinig ko ang pag daing nito sa sakit.

"Althea!" Sigaw ng aking mga kaibigan ngunit hindi ko ito pinansin.

Dumura ng dugo si Ramon at nakuha pa nitong ngisian ako muli kahit na punong puno na ng dugo ang kanyang pag mumukha.

This bastard!

Muli na sana akong susugod nang tabunan ni Cooper ang aking harapan. Matalim ko itong tinignan habang mahigpit na nakahawak sa espada.

"Get.Out.Of.My.Way.Chief." nanggagalaiting ani ko rito. Blangkong ekspresyon lamang ang binigay nito saakin at nanatiling nakatayo.

"Put that damn sword down Sandoval." Ani nito ngunit hindi pa rin ako natinag. Mas lalong dumilim ang ekspresyon nito at matalim akong tinignan. "I am the Chief of this Castra and you are obliged to Obey me. Put the sword down or I will fucking drag you out of here." Ani nito. Nakipag tagisan pa ako sa titig nito. Marahas akong napa buntong hininga.

He used the Chief card. Alam niyang wala na akong laban doon. Labag man sa kalooban ko ay padarag kong binitawan ang espada at mabilisan kong sinulyapan ang lalaking natabunan ng katawan ni Cooper.

Seryoso na ang mga mata nito na tinumbasan ko naman ng aking malamig at matalim na titig.

"We're not done yet." Duro ko rito at mabilisang linisan ang lugar.

Damn it!

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon