Chapter 32: Plan

9.3K 419 45
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo on twitter.

--

Agad kaming umalis sa warehouse. Labag man sa loob namin na iwanan ang katawan ni Jason doon ay mas pinili na rin namin ang agad na umalis. We can't let the policemen know about our identity. Hindi nila pwedeng malaman na may mga moiety pang nabubuhay sa panahon ngayon.

Nang makapasok sa dorm ay walang umiimik. Tanging pag hikbi lamang ang nagiging ingay sa pagitan naming lahat.

Mariin akong napa pikit nang muli maalala ang pagkaka matay ni Jason. And until now, I can't believe that he's already...gone.

Yes Jason did betrayed us. Pero ni kailanman hindi sumagi sa isipan naming lahat ang kunin o kitilin ang kanyang buhay. He's with us...he's our family.

Napa angat ako ng tingin sa itaas, pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala.

"Chief."

Napa mulat ako ng tingin nang makarinig ng kaluskos. Natagpuan ko na lamang na nakatayo na sina Ansley, Myron at Chief.

"Get the fuck out of my way." Mariin na ani ni Chief. Hindi natinag ang dalawa at nanatili sa harapan niya.

"Calm down Chief. Andun na ang mga pulis, hindi nila pwedeng malaman na andun tayo nung nangyare iyon." Mahinahong ani ni Ansley.

Nagbaba ako ng tingin at kitang kita ko ang gigil na pinipigilan ni Cooper.

"Mind your own fucking business. Move." Hindi pa rin ito nag papatinag. Nararamdaman ko na ang tensyon na namumuo sa pagitan nilang tatlo.

Napatalon ako nang hawakan ni Myron si Cooper sakanyang kwelyo!

"What will you do? Huh? Mag wawala ka dun?"

"Let go of me Legazpi."

"Tangina!" Nanlaki ang aking mga mata nang bigyan ng sapak ni Myron si Cooper sakanyang panga! Napahawak iyon doon at walang ano anong binawian ng suntok si Myron!

Marahas akong napatayo kasabay nila Maxeen!

"Tigilan niyo na yan!" Maxeen screamed.

Hindi nagpaawat ang dalawa. Nag hawakan sila sa kwelyo at matalim ang palitan ng kanilang tingin.

"My brother just died Legazpi. So don't tell me to stay here and do nothing." Red eyes to grey eyes. They are both intense. Walang nagpapa talo .

Malalim akong napa buntong hininga at pumagitna sakanilang dalawa. Agad ko silang pinag hiwalay at matamang tinignan.

"Just stop! Walang magagawa kung pareho niyong paiiralin ang init ng mga ulo niyo!" Ani ko rito.

Nagkatinginan pa rin ang dalawa ngunit naramdaman ko naman ang bahagya nilang pag kalma.

"We lose." Napatingin ako sa nag salitang si Sunny.

"Ano?"

Napatingin saamin si Sunny at marahas na napatayo! Sunod sunod ang mga luhang lumandas sakanyang mga pisngi. She's crying, hard.

"Look at us! Jason died! Hindi na tayo nag kakasundo! Team Virgo's always one step ahead of us! Don't you think, what we're doing is not worth fighting for anymore!" Sigaw nito saamin. Natigilan kaming lahat habang pinapanood ang kanyang pag iyak.

Natigilan ako. Dahil alam ko sa sarili ko...na may tama sa mga sinabi ni Sunny.

"I just wanna go home to Castra." Dugtong pa nito.

"This is all my fault." Sabay sabay naman kaming napatingin kay Chief. At sa hinaba haba ng panahon na kilala ko siya, ngayon ko lang nakitaan ang kanyang mga mata ng pagod at lungkot. "I didn't have the chance to fully protect our team. At may mga bagay ako na hindi sinasabi sainyo." Ani pa nito.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon