Epilogue

2.6K 66 10
  • Dedicated kay Dedicated to all my Readers
                                    

Epilogue

Epilogue

     "Nasaan si Maimai manang." tanong ko sa mga kasambahay namin.

     "Ma'am nasa labas po, kasama ng daddy nito. Kadarating lang  po kasi ni Sir." agad akong lumabas at nakita ko silang mag ama doon. Nakita nila akong palabas ng Garden.

     "Oh Kim, mag ingat ka baka mamaya lumabas bigla yang si junjun ko." sabi ni Xian sa akin. Yes nasa 39weeks na ako at malapit na ang due date ko. Sana umabot ito sa birthday ni Xian.

     "Mommy darating po ba si tita Raine mamaya?" tanong ni maimai sa akin. She's 3 years old already. Diba ang bilis noh.  Sympre nalagpasan na namin ni Xian ang mga pagsubok na dumating sa amin.

     "Oo naman darating sila mamaya, miss mo na agad si tita Raine ano. Sasama ba si lolo?" tanong ko kay Xian.

     "Hindi ako sigurado, sabi kasi nanay fe kanina medyo nagpaparamdam daw ang sakit sa paa ni lolo kaya minabuti nalang nila na bukas or sa makalawa nalang sila lumuwas dito." sabi ni Xian.

     Pumasok si Maimai sa loob upang makipaglaro sa yaya nito. Kami naman ni Xian ay naiwan sa labas at pinagmamasdan ang Isla na pinangarap namin noon.

     "Tignan mo, lumago na ng lumago ang dating pangarap natin. Ang gusto mo lang dati isla lang natin. Pero ito binigyan mo ng buhay ang mga ibang tao na makapamuhay ng may freedom. Nagagawa nila ang gusto nila dahil hinayaan natin sila. Salamat mahal ko." niyakap ako.

     "Ikaw ang nagturo sa akin non. Sana paglabas ni baby junjun maituro mo lahat ang dapat gawin sa pamamalakad nito. Dahil kami ni maimai eh mag shoshopping lang." sabi ko sa kanya.

     "Oo naman mahal ko. Kayo ni Maimai ang pinaka importateng babae sa buhay ko. Pakiss nga." sabi nito sa akin. Pero biglang sumakit yung tiyan ko.

     "Babe sumasakit yung tiyan ko." sabi ko kay Xian

     "Baka naman nagugutom ka lang, hindi mo pa due date, in two weeks ka pa mahal."

     "Pero humihilab ehh, tawagan mo na si doctor Liam mahal, baka hindi ko na kayanin ito." Lalong lumalakas yung contractions.

     "Okay sige sige sandali tatawagan ko lang siya umupo ka muna jan." natatarantang sabi ni Xian habang tinatawagan si Liam ang resident doctor ng isla.

"XIAN!!!!! my water broke...." sigaw ko kay Xian.

     Wala pang Apat na oras ng lumabas na ang pinakahihintay ng lahat. Ang baby boy ng family... Super gwapo at super kapal ng buhok nito.

     "Babe, bakit lahat na lang ng anak natin kamukha mo. Tignan mo nga oh si baby Junjun kamukha mo na naman, nakuha lang niya sa akin yung kapal ng buhok at sympre at mata. Pero lahat sayo na." pangrereklamo ni Xian dito.

     "Mommy..Daddy.." sigaw ni Maimai naririnig namin sa labas ng kwarto.

Pagpasok nito ay sinalubong naman ito ni Xian.

"Look baby maimai..ito na ang baby brother mo."

     "Brother?" sabi ng bata.

     "Yes baby brother mo. Kiss mo nga." sabi ni Xian habang kinuha ko yung Phone ko at vinivideo silang tatlo.

     "Happy ba ang baby girl ko." tanong ni Xian ulit kay Maimai.

     "Yes!" tuwang tuwa ang bata sa kanya. Mula kasi nong kinasal kami ni Xian, Wala siyang palya sa pag aalaga kay Maimai, hanggang sa pagpapaligo hanggang sa pag lalaro sila ang magkasama. Gusto kasi ni Xian ay maituon niya ang pansin siya sa akin at sa bata. Ngayung tatlo na ang aalagaan niya. sabi nito na pantay pantay ang pagmamahal niya sa amin. At ganon din ako sa kanya.

     'Nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan noon, lahat yun ay nabago ng umusbong na pagmamahalan namin ni Xian, Marami man akong naramdaman na sakit, lahat iyon ay pinagsisihan.'

     'Lahat ng bagay ay kailangan ng time para pag isipan, lahat ng tao may kanya kanyang desisyon na hindi mo kayang pangunahan. Doon kami nagtalo ni Xian, dahil wala kaming sapat na oras para kilalanin ang isa't isa. We are stranger nong magpakasal kami. Kaya hindi ito nagwork sa amin. Pero sa pangalawang pagkakaon, doon namin nakilala at mas nakilala pa ang isa't isa. We fight pero we learn.'

     "Kaya sa pagtatapos ng journey namin ni Xian dito. Ang masasabi ko lang na aral na natutunan ko. In this battlefield, we learn and realize things we didn't know before.

     A Perfect life doesn't exist. Unexpected accidents happen in life, and we make irreversible mistakes, too."

     "But every time we fall and get hurt in life, we definitely find ourselves changed in the midst of it."-Xian's

     "We realize others people's pains"-Kim's

     "Or we realize ourselves maturing."- Xian's

     "And this is our story When the Heartaches End" Kim and Xian

THE END

********************

A/N: Thank you po ng maraming marami sa pag subaybay ng story ng When the Heartaches End. Nagtatapos na po dito ang story ni Kim at Xian. Sana po ay inyo pa rin pong supportahan ang mga susunod kung story. Salamat sa magagandang Comments at sa pag vote na rin po.

SALAMAT READERS...SA MGA KIMXI FANS THANK YOU PO...

SUPPORT BEAR MY CHILD ONGOING po iyon...

This is a work of fiction. Kung may pagkakahawig man sa Pangalan, characters, business, lugar, events or kahit na anong pangyayari. Isa lang itong Produkto ng pag iisip ko.  Any Resemblance sa actual Persons, living or dead is purely coincidental.

© itsmeenayumi 

Vote and Comment please thank you for Reading

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon