Chapter 14 Another Chapter

2.5K 60 13
                                    

Chapter 14 Another Chapter

      Nong araw na may mangyari sa amin ni Xian ay lagi niya ako sinusundan at tinatanong. Kung kamusta daw ako at kung may nararamdaman daw ako. Lagi na siyang nagiging caring sa akin. Minsan nga napagkakamalan kaming may relasyon dahil sa malapit kami sa isa't isa.

      Dumating si Lax at laging bugnutin, laging mainit ang ulo. Nagkaproblema daw kasi ang business ng mga ito sa London, kaya masyadong natuon ang isip niya doon. Hindi na kami nakakalabas dahil kung hindi isang gabi ay ilang oras lang ito namamalagi sa isla.

     Pero isang araw lumabas ang tunay na kulay ni Lax. Nagpunta ako sa Cabin nito dahil dinalhan ko ito na pagkain. Hindi ko naman sinasadyang mabasag ang isa sa mga plato at nagkalat ng mga kung ano anong pagkain sa lapag. Bigla nalang niya akong sinigawan at kung ano ano ang ibinato sa akin na masasamang salita.

Biglang nanlambot ang mga paa ko ng marinig ko sa bibig nito ang salitang "Kaya ka pala iniwan ng Ex Husband mo dahil napaka clamsy mo." nasampal ko ng paulit ulit. Pagkatapos ng sampal na iyon ay nagmamakaawa siyang patawarin ko siya.

Lumabas ako ng cabin nito pero hinabol niya ako.

"Kim I'm really sorry, i didn't mean to hurt you. Sana maintindihan mo ako, gulong gulo ako sa nangyayari sa business namin."

"Sana naisip mo bago mo ako pagsalita ng ganon. Paano mo nalaman na may EX husband ako?" sigaw ko sa kanya.

"Narinig kung nag uusap kayo ng nanay mo nong araw na iyon, ibibigay ko lang sana ang phone mo dahil naiwan mo ito sa kotse ko. Nalaman kung dati kayong mag asawa ni Xian."

"Kaya ganyan mo nalang ako pagsalitaan? Lax minahal kita alam mo yun, Hindi ko pinagkatiwala ang puso ko sayo, kung alam kung hindi mo ako kayang irespeto. Pero nagkamali ako. Sana nakinig nalang ako sa kanya. Sana...."

"Sana ano..Wag kang magsinungaling Kim. Ako ang nagmamahal sa relasyon na ito. Aminin mong mahal mo pa rin ang dating asawa mo. Aminin mong siya pa rin ang laman ng puso at isip mo." nabigla ako sa mga akusa niya sa akin.

"Oo mahal ko pa rin siya. Pero pinili kita, pinili kita dahil alam kung makakalimutan ko siya. Gusto kung makalimutan ang lahat sa amin. Pero habang tumatagal mas lalo ko lang narerealize na hindi nagbago." pagkasabi ko palang non ay may dumapo ng kamao sa mukha ni Lax.

"Gago ka, hindi ko siya pinagkatiwala sayo para gaguhan mo lang ng ganyan." sigaw ni Xian kay Lax.

"Xian tama na."

"No kim ginago ka ng lalaking ito."

"ako ang may kasalanan Xian."

"Anong ikaw?"

"Dahil ang tanga tanga ko. Hindi ako nakinig sa sinasabi ng puso ko. Sinasabi nitong tangang puso ko na ikaw...Ikaw pa rin ang mahal ko." i burst into tears.

Inilayo ng mga ibang members si Lax sa eksena dahil nag aapoy na ng galit si Xian.

"Uminom ka muna ng tubig kim." sabi ni mel sa akin.

"Okay ka na ba?" tanong nito tumango nalang ako at tsaka hinanap si Xian.

"Nasaan si Xian?" tanong ko.

"ang alam ko nasa Security headquarters sila kinakausap si Lax at ang kapatid nito." tumayo ako pero pinigilan ako ni Mel.

"Wag ka ng pumunta, hayaan mong maresolve nila ito ng sila sila lang. Mas makakapagusap ang dalawang iyon kung hahayaan mo sila." nakinig ako kay mel.

Nong nahimas masan ako ay pumunta ako sa bahay ni Xian. Pero wala pang tao doon kaya umupo ako sa labas ng bahay niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin. Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang pasa sa mukha nito.

"Anong nangyari jan sa mukha mo?" tanong ko sa kanya. hinawakan ko ito habagn buhat buhat niya ako.

"Wala nag sparing lang kami ni Lax, binigyan ko lang ng leksiyon, hindi na daw niya uulitin ang ginawa niya. humihingi siya ng sorry sa ginawa niya sayo. Sinabi niya sa akin na ginawa lang pala niya iyon para marealize nating dalawa ang pagkakamali natin." nagulat ako ng binaba niya ako sa sofa.

"Sinabi niya yun sayo."

"Oo sinabi niya yun sa akin. Hindi niya sinadyang pasakitan tayong dalawa. Mas lalo ka na. Umalis na siya ng isla at hindi na daw siya mulign makakatapak dito, dahil tinanggal na ng kapatid nito ang membership."

"Nakakaawa naman siya, Dapat hinayaan mo man lang akong makausap siya at makapagsorry sa mga ginawa ko."

"In Gods time kim, not now." sabi nito.

"Ang gusto kung gawin ngayun ay magsimulang muli kasama ka." sabi nito sa akin.

Nilahad ni Xian ang kamay nito sa akin.

"Hi my name is Xian lim."

"Hi.... Kim chiu." Nagkamayan kami.

Doon na ang simula ang unang kabanata ng buhay namin.

Sorry this is only short chapter...something happen po kasi kaya medyo di ako nakapagconcentrate sa pagsulat...i will try to update tomorrow..

This is a work of fiction. Kung may pagkakahawig man sa Pangalan, characters, business, lugar, events or kahit na anong pangyayari. Isa lang itong Produkto ng pag iisip ko.  Any Resemblance sa actual Persons, living or dead is purely coincidental.

© itsmeenayumi 

Vote and Comment please thank you for Reading

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon