Chapter 13 Body Heat

2.6K 60 6
                                    

PAALALA: Itong chapter na ito ay may kunting sexual content. kung hindi nyo gusto lagpasan nalang buwahaha...Joke lang.. nakikiusap lang di kasi ako marunong ng mga ganitong genre...hahahah

Chapter 13

      Exactly 4 months na kaming mag nobyo ni Lax, pero everything went off nong nalaman kung nasa London ito at hindi nagpaalam sa akin.

"Kim, busy ka ba?" tanong ni Mel na lalong gumaganda. Paano ba naman kasi eh nagpapacute sa amo nitong si Marlon.

"Hindi naman bakit?" sabi ko sa kanya.

"Pwede bang ikaw na muna ang bahala dito. May sakit kasi si Sir marlon dadalhan ko lang ng pagkain sa cabin niya." binato ko siya ng fries na hawak hawak ko.

"Oh masama bang mag alala sa amo."

"Hindi, pero sa lagay mo parang masama ang tama mo." natawana kaming dalawa.

"Siya sige na umalis ka na bago pa magbago ang isip ko at layasan ko itong restaurant nyo ng "boylet kuno mo"."

"Ikaw talaga mel, may shota ka lang ganyan ka na, nasaan na ba kasi yang boyfriend mo? dalawang linggo ko ng hindi nakikita dito sa isla."

"Wag na nating siyang pag usapan, mauna ka na, baka mamaya hinahanap ka na ng master mo." Patakbo itong lumabas ng restaurant. Kaya ang ginawa ko nagpunta ako sa kusina at hinanap ang assistant chief nito.

"Ben ako muna ang nasa labas, lumabas lang saglit si Mel."

"Okay sige po ma'am."

Paglabas ko saktong pagpasok naman ni Xian.

"Hi.." bati ko sa kanya.

Tumango lang sa akin tsaka siya umupo sa favorite spot niya.

"Anong order mo?"

"Ikaw."

*@.@*

"Anong ako?"

"IKAW ang order ko bawal ba?"

"wag ka ngang magbiro jan, baka may makarinig sayo kung ano isipin nila."

"Hindi nga ako nagbibiro."

"Heh kung ayaw mong mag order lalayasan kita." sabi ko aktong aalis na sana ng pigilan niya ako.

"Where is your boyfriend? dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita?"

"Busy."

"Busy? Boyfriend ba ang tawag mo doon, hindi ka man lang inaalala."

"Busy nga, tumatawag naman siya."

"Kailan yung huling usap ninyo?" tanong nito sa akin.

"Bakit ba ang dami mong tanong? investigator ka ba?"

"Masama bang mag tanong?"

"Oo masama kung katulad mong tsismoso. hala kalalaking tao nito."

"Hep-hep" may biglang umawat sa aming dalawa. Pumagit sa amin si Paulo.

"Kung mag aaway kayo, wag dito nag titinginan ang mga tao."

"SINONG MAY SABING NAGAAWAY KAMI." sabay naming bigkas, nagkatinginan pa kaming dalawa.

"HINDI KAMI NAG AAWAY." naulit ulit.

"BAKIT KA BA NAKIKISABAY." ginulo ni Paulo ang buhok nito. Dahil naasar sa aming dalawa.

Pag aalis ni Paulo at sabay kaming tumawa, para lang kaming tangang dalawa.

"Namiss ko yan." sabay sabi nito.

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon