Chapter 3 Not Expected

2.7K 59 9
                                    

Chapter 3

       Kinasal kami ni Xian sa Private Resort nila. Piling mga tao lang ang nainvite dahil na rin sa kagustuhan ni Xian.

       Pagkatapos ng paguusap ng araw na yun na pagpayag ko sa pagpapakasal kay Xian tumawag agad si Don Rafael para i push na ang operasyon i Baby Raine. Mabilis nilang na isagawa ang operasyon. Bumalik ako ng maynila para alagaan saglit ang kapatid ko tsaka ako tinawagan ni Don Rafael na asikasuhin na rin ang kasal namin.

 

 

Mula ng araw na iyon iilang beses lang kami nagkikita ni Xian. Medyo nagiba ang pakikitungo niya sa akin mula nong nahuli niya kami ng lolo nito. Na kahit anong paliwanag ang gawin mo hindi ito maniniwala sayo.

 

 

       "Mauna ka na matulog may pupuntahan lang ako." sabi ni Xian habang tinatanggal ang Gown ko. Unang araw palang parang magsisimula na ang kalbaryo ng buhay ko.

"Okay.." tsaka ako pumasok sa loob ng CR para doon mag bihis. Paglabas ko ay bihis na rin si Xian.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa opisina ako matutulog, kaya matulog ka na. Bukas aalis tayo papuntang Palawan." sabi nito tsaka siya lumabas ng kwarto namin. Nandito kami ngayun Bahay niya dito sa Isla. May malaking bahay ito dito.

Naiwan akong nakatunganga lang doon. Pinagmamasdan ang Kwarto nito. Humiga ako at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.

Xian's POV

       Hindi ako makapaniwalang tinanggap ni Kim ang alok ni lolo. Nahihibang na talaga siya. Hindi sana ganon ang magiging reaction ko kung hindi ko nakita ang pagkakawak ni lolo sa kamay nito.

"Oh unang araw ninyo ng asawa mo dito ka sa pad ko maghohoneymoon. May problema ba?" tanong ng kaibigan ko.

"Dito muna ako pare.." binuksan ko ang cabinet nito at kumuha ng baso.

"Hindi ko akalain ganito kabilis ang lolo mo. Pero masaya ka dahil mapapasayo iyo na rin ang Isla na talagang pinangarap mo." habang sinabi niya ito parang iba ang pakiramdam ko.

"Bahala na pare. Sige mauna na ako sayo. dito muna ako sa guestroom mo."

Habang nakahiga ako, hindi ako mapakali kung ano na ginagawa ni Kim ngayun sa bahay. Tama kaya itong ginagawa ko.

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon