Chapter 15 Dinner Date Convo

2.4K 61 13
                                    

Chapter 15

Dinner Date Convo

      "Kim matatagalan ka pa ba jan?" tanong ko kay Kim na mag iisang oras na siyang nasa loob ng banyo.

"Malapit na, lalabas na ako."

Pagkatapos ng gulong nangyari sa Isla ay inuwi ko siya dtio sa maynila. Paglabas ni Kim at bigla bigla nalang niya akong niyakap.

"Oh anong problema..." gulong gulo kung tanong sa kanya.

"Hulaan mo."

"Kim hindi ako manghuhula." sabi ko pero bigla nalang itong sumimangot.

"Wala ka talagang ka thrill thrill sa buhay."  sabi nito sa akin.

"ito naman hindi na mabiro, Ano ba kasi iyon." tanong ko sa kanya.

Biglan siyang lumapit sa tenga ko.

"Pwede ba tayong magdate." pinandilatan ko siya tapos tawa ng tawa. Akala ko naman kasi kung ano iyon nagpapacute lang pala.

"AHAHAH nakita mo sana yung mukha mo. Grabe Xi kala mo siguro kung ano." sige tawa pa.

"Ikaw talaga.." kiniliti ko siya ng kiniliti.

"Date lang pala ang gusto ng mahal ko eh, pagbigyan." nakayakap ako sa kanya.

"Saan ba ang gusto ng mahal ko." tanong ko.

"Kahit saan basta kasama ko ang mahal ko." sabi nito.

Ilang buwan na rin kaming magkasamang dalawa. Nalaman naman ni lolo at nanay ni kim na nagkabalikan kami. Hindi pa namin pinaplano ang kasal kasi gusto namin makasiguro na wala ng makakahadlang pa sa pagmamahalan namin.

Kim's POV

      "Oh bakit mo ako dito dinala?" alam nyo ba kung saan ako dinala ng kuripot kung boyfriend. Sa kanto lang naman. May BBQ kasi dito at gusto nitong matikman ang mga pagkain.

"Sabi mo kasi kahit saan, pinapili kita."

"Hindi ko naman akalain na dito mo pala gustong magdate. Di sana hindi ako nagsuot ng ganito." nakasuot kasi ako ng heels.

"Sabi ko naman kasi sayo wag mo ng isuot yan dahil sasakit lang ang paa mo. Pero sabi mo kaya mo di pinabayaan kita." smirk...

"You could have told me na where going here." asar na sabi ko sa kanya.

"nandito na tayo halika na." sabi nito sa akin. Pagdating namin sa loob nakaset up na.

"Ang bilis naman ata?"

"Napagreserved kasi ako." bigla akong humagalpak ng tawa. Pero siya seryoso.

"oh anong nakakatawa doon?" tanong nito pero umiiling lang ako sa kakatawa. Siya nagpareserved pa talaga sa ganito. Ang cute cute niya talaga.

"Ang cute cute mo talaga." bulalas ko.

"Alam ko na yan."

"Yabang.." tawa lang kami ng tawa, hanggang sa dumating yung order namin. isaw kwek kwek, BBQ lahat ng street food na makikita mo sa kalye inorder niya.

"Gusto ko talagang maexperience ang ganitong date, ng kasama ka. Gusto ko kasing may maikwento ako sa mga anak natin pagmalalaki na sila." nakikinig ako sa kanya habang kumakain ito ng isaw.

"Naisip mo ba nong time na hindi na natin kinaya ang lahat. I mean ako sa sarili ko inaamin kung bumigay ako. Inaamin kung mayroon akong pagkukulang bilang asawa mo. Dahil noon palang alam ko na, na mahal kita. Simula palang ng pagsasama natin." Hindi ko iniexpect na makakaroon kami ng ganitong conversation ni Xian.

"Sana pala, yung lahat ng ginagawa mo noon na pambababae, ipinaglaban kita. Hindi sana ako nilamon ng pagkamartir ko. Hindi sana tayo umabot ng ganito. Na pareho nating pinagsisihan sa huli. Pero sa nakikita ko ngayun, wala akong pinagsisihan. Bakit kasi we mature enough to know what really means for us. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano lumaban at kung paano tibayan ang loob ko. Ikaw yung taong iniisip ko habang nangyayari ang operasyon ni Raine noon. Ikaw yung taong sinaktan ako ng paulit ulit pero ni lamat dito sa puso ko ay nabura dahil naghilom siya. Naghilom nong dumating kang muli sa puso ko."

"I know this conversation is very usual for a couple. Pero para sa atin sa dami ng pinagdaanan natin i think kailangan nating ilabas ito." sabi ko sa kanya, nakikinig naman ito.

"Basta ang mahala ngayun ay kung paano natin tatahakin ang susunod na yugto ng buhay natin."

"Wag kang magalala kim, dahil sa next journey ng buhay ko ikaw at ako lang ang magkasama. Pinapangako ko sayo na mamahalin at igagalang kita. Hindi kita sasaktan at hinding hindi na kita paiiyakin pa." hinawakan nya ang kamay ko.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad pa kaming dalawa. Habang magkahawak ang kamay namin.

This is a work of fiction. Kung may pagkakahawig man sa Pangalan, characters, business, lugar, events or kahit na anong pangyayari. Isa lang itong Produkto ng pag iisip ko.  Any Resemblance sa actual Persons, living or dead is purely coincidental.

© itsmeenayumi 

Vote and Comment please thank you for Reading

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon