Chapter 12 Please Don't Give Up

2.5K 52 15
                                    

Chapter 12

Please Don't Give Up 

Kim's POV

      Pagkahatid sa akin ni Lax ay pumasok na ako agad sa loob. Nadatnan ko si nanay sa sala habang nanonood ito. Nagulat pa siya ng bigla akong dumating ng walang pasabi.

"Oh Kim, hindi ka nagpasabing darating ka." sabi ni nanay. Naupo nalang ako at yumakap sa kanya.

"Anong problema?" tanong ni nanay.

"Naaksidente po si Xian nay."

"Huh, nasaan siya ngayun. Okay na ba siya?" aligagang tanong nito.

"okay na po siya nanay, ligtas na po siya."

"Diyos mabuti naman kung ganon...Kumain ka na

ba? pagod na pagod ka, magpahinga ka na muna kaya."

"Ano pong gagawin ko." tumingin ako kay nanay.

"Ano pong gagawin ko kung pinili na niyang bitawan ako." naging seryoso ang tingin ni nanay sa akin.

"Sinabi ba nya sa harap mo?" umiling ako.  Sinabi niya pero tulog ako.

"Hindi natin kasi alam kung ano ang iniisip ng isang tao anak, marami kayong pinagdaanan ni Xian na parehas ninyong kinaharap. Mag-asawa man kayo dati that doesn't mean yung love na nararamdaman nyo ay nawala."

"Alam nyong pareho na nagmahal kayo, hindi nyo lang naramdaman iyon dahil diniktahan kayong dalawa. Hayaan nyong magtagpong muli ang inyong mga puso. Kusang lalapit yan."  lahat ng sinabi ni nanay ay parang naging sandalan ko.

"Kung ang pumipigil pa rin sayo ay dahil sa anak mo. Hindi ko sinasabing kalimutan mo dahil naging bahagi kayong dalawa doon. Hayaan mo muna siyang hanapin ang sarili niya. Pero kung ano man ang mangyari sa darating na araw, kailangan mo itong tanggapin anak. Hindi sa lahat ng pagkakataon aayun sa iyong sa kagustuhan mo."

"Pero paano nanay kung may umangkin na sa pwesto nito. Baka kasi hindi ko mapigilan mahulog na ako sa kanya." hinawakan niya ang kamay ko.

"Kung mahal mo itong taong darating, then its about time na bitawan mo na siya. Anak kung saan ka masaya nandito lang kami ni Raine para sa iyon." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sige umakyat ka na sa taas at magpahinga." sabi nito

Lax's POV

      Hindi ko sinasadyang marinig ang pinagusapan nilang dalawa. Isusuli ko lang naman sana itong cellphone niya, nahulog kasi nito sa kotse.

Bumalik ako sa kotse ng hindi binibigay ang phone niya. Narinig ko ang mga pinagusapan nila.

"Ibig sabihin ex wife ni Xian si Kim?" Binuksan ko ang phone nito. Tignan ko ang mga photos nito sa library niya. Nakita ko ang mga Picture ni Xian, na siguro ay stolen shot ni kim ang mga ito. Mayroon din itong picture na nakaharap sa salamin na nakalabas ang tiyan nito.

"Pero nasaan ang bata?"  scroll ko ulit ito ng paulit ulit. Hanggang makita ko ang picture nito na nasa puntod ng anak niya. Birthday baby zandro ang caption nito.

Dating mag asawa si Kim at Xian, na lahat sa isla ay walang alam.

Xian's POV

      Tatlong linggo akong namalagi sa maynila bago ako bumalik sa isla. Hindi na muling dumalaw pa sa akin si Kim mula nong huli kaming magkita.

Pagdating na pagdating ko palang sa isla ay nagkakagulo ang mga ito.

"Oh bakit nagtatakbuhan kayo jan." agad kung tanong sa mga tao doon.

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon