Chapter 5 A Normal Day

2.5K 44 4
                                    

Chapter 5 A Normal Day

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Nanay at Raine na kumakain na.

"Naku anak di ka na namin nahintay, gutom na gutom na itong kapatid mo." nagmano ako kay nanay

"okay lang po hindi pweding gutumin ang mga alaga sa tiyan ni raine baka magkagulo." pabiro kung sabi sa kanila. "siya nga pala may dumating kang sulat." sabi ni nanay habang inaabot ito.

"Saan daw po galing?" habang binubuksan ko. Nagulat nalang ako ng makita ko ang malaking Congratulations.

"Nay natanggap ako.. Natanggap ako." Nagtatatalon ako sa tuwa. Natanggap ako sa isang company.

"Saan ka natanggap anak. Naku talaga swerte natin ngayung araw dahil first honor si Bunso at ikaw natanggap sa trabaho."

"Oo nga po ang tagal ko na po itong hinihintay, nag give up na nga po ako eh. Pero ito nagpadala sila sa akin. Ito yung bagong bukas na Resort sa Palawan, Bagong bago nay."

"Oh maganda yan anak, kailangan mo na ring bumalik sa trabaho. Maganda na yung business na ginagawa mo, ipaubaya mo na iyon kay Clara." tinignan kung muli ang sulat na pinadala nila.

"oh kailan ang luwas mo papuntang Palawan nyan?"

"Samahan nyo ako nay, mamasyal na rin tayo para makita nyo yung lugar, Exclusive lang kasi yun para sa mga bachelor na mayayaman."

"Naku eh kailangan palang pumunta rin ako." gets nyo na si nanay.

"Next week po papa schedule na ako sa kanila." agad akong umupo at kumain.

Xian's POV

"Bakit ang bilis naman babe, hindi pa tayo nakakarating sa Resort." sabi ko kay beatrice.

"Babe may bigla photoshoot na gagawin, hindi ako pweding tumanggi dahil malaking company ito. Hayaan mo Next month uuwi ulit ako after nitong project na ito. Promise babe." wala na akong nagwa kundi ihatid ulit isya sa airport. Dalawang araw lang ito naglagi dito sa Pilipinas. Pero okay na rin ito para maasikaso ko ang opening ng Resort sa Palawan. Matagal ko na itong hinihintay. Kasama ko ang mga kaibigan kung tumulong para maipatayo itong Resort na ito. Exclusive Resort ito para sa mga Mayayamang Tulad namin.

"Mag-ingat ka dito, lagi kita tatwagan babe."

"Okay sige, mag-ingat ka." sabi ko habang palayo na siya sa akin.

Nasa labas na ako ng airport, Nang tumawag sa akin si Jayden ang kaibigan kung piloto.

"Pare may flight ako today papunta sa Isla sasabay ka ba." sabi nito.

"Galing ng timing mo pare, nasaan ka ba?" tanong ko.

"Nasa likod mo." tumingin ako tsaka siya kumaway sa akin. Lumapit ako sa kanya.

"Nakita ko yung Girlfriend mo, bakit umalis agad di mo man lang nadala sa isla."

"May biglaan itong project kaya di makakasama. Balik siya NY for work. Pero uuwi siguro next month." tumango ito.

"Sabi ni Paulo nakapag hire na daw siya ng mga magiging tauhan ng Isla. Gusto mo ba ikaw mag Interview sa mga ito?" tanong nito sa akin.

"Sabihin mo kay Paulo may tiwala ako sa kanya, kaya na niyang ihandle yan. Gusto kung magrelax ngayun."

"hahaha nawala lang girlfriend mo." tumawa ito.

Dalawang oras ang biyahe ng private plane ng isla. May sarili rin itong Airport kaya very accessible.

"Good afternoon Sir." bati ng mga tauhan nila sa airport. Tumango lang ako sa kanya.

"Xian pare, mabuti naman at dumating ka na." bati pa ng isa sa mga Member dito. Si Rod.

When the Heartaches EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon