Chapter Thirty-Three

17.8K 457 52
                                    

Chapter Thirty-Three

Danger

Inilabas ko ang mga bangkay mula sa loob habang hinihintay naman ako ni Vivian sa labas. They deserve a proper burial. Hindi man namin sila madadala sa sari-sarili nilang pamilya, ang mahalaga ay mailibing sila ng maayos.

Nang mailabas ko na ang mga bangkay ay inihagis ni Vivian ang gasera sa loob ng bar at kaagad itong lumiyab dahil pinaliguan niya ang sahig at mga dingding ng langis na nagmula sa kusina. Pinanood naming matupok ang buong lugar kasama ang mga bangkay ng mga Vampire Hunter.

I watched her as she looks at the flame that keeps getting higher and higher. Her bright eyes illuminated the orange and blue flames that danced with the wind. The hatred in her eyes was visible. I can feel the wrath that brewing inside her.

Walang imik niyang binuhat ang isa sa mga bangkay at dinala patungo sa kagubatan. Binuhat ko naman ang dalawa pa. May natira pang limang bangkay pero babalikan ko na lang mamaya. Sinundan ko siya at pinili niya ang isang maliit na open field kung saan may mga ilang klase ng bulaklak na nakatanim.

Binalikan ko ang dalawang pala at ang mga natitira pang bangkay. We started to dig. Hindi ko na siya pinigilan pa sa paghuhukay dahil alam kong hindi siya magpapapigil.

It took us half an hour to finish digging eight holes for the corpses. Thanks to our superhuman speed and strength. Nang matapos kaming maghukay ay inilagay na namin ang mga bangkay sa kani-kanilang butas.

Hindi ko na din siya pinigilan nang tatabunan na ang mga hukay. Kumuha ako ng mga sanga ng kahoy at gumawa ng krus. Itinusok ko ito sa kani-kanilang buhay. Si Vivian naman ay pumitas ng mga bulaklak, binungkos ito at ipinatong sa mga puntod.

Hindi pa siya nagsasalita simula kanina. Nakatayo lang siya sa harapan ng mga puntod. May lungkot sa kanyang mga mata. I can see the tears at the corner of her eyes.

"I'm sorry." she whispered. She wiped the tears that escaped from her eyes. "Hindi man lang alam ng pamilya nila na wala na sila. Wala silang kamalay-malay na patay na sila."

Nilapitan ko siya at niyakap. She broke down into a painful sob. I shut my eyes tightly. Ngayon ko lang siya nakita na umiyak nang ganito. Hindi ko na siya hahayaan na umiyak nang ganito ulit.

Nang mahimasmasan na siya ay naisipan na naming bumalik sa camping site. Hindi ko na tinangka pa siyang kausapin. I know she's not in the mood to talk right now.

Malapit na kami sa camping site nang makarinig kami ng sigawan. Nagkatinginan kaming dalawa at patakbong nagtungo kung saan nanggagaling ang sigawan. Shit! Isa lang ang pwedeng panggalingan no'n. Ang camping site.

Naabutan naming nasusunog na ang ibang mga tent. Nagtatakbuhan ang mga tao at ang ilan ay hindi pa umaalis. Malamang ay hinahanap ang napahiwalay na myembro ng kanilang pamilya. Hinanap ng aking mga mata kung sino ang maaaring gumawa nito at nakita ko ang mga Insanes na sumusugod sa mga tao.

Hinanap ko sina Kendrick at nakita ko silang tumutulong sa mga tao at nakikipaglaban sa mga Insanes. Hindi ko mabilang kung ilang Insane sang sumugod.

There was something strange happening in here. I have a gut feeling that they know we're here. Did they lure me in their base and attacked while I'm gone? Posible ito. Pero paano nila nalamang nandito ako? O natuklasan ng mga Vampire Hunter ang ginawa namin ni Vivian sa base nila kaya nila pinasugod ang mga Insanes na ito?

There was also something strange about how the Insanes moved. It was like there was something controlling them. Para silang puppet na pinapagalaw ng kung ano o sino.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now