Chapter Thirty

15.4K 509 49
                                    

Chapter Thirty

Dating the Playboy

"I like you." Fenier saw Vivian mouthed those three words. He couldn't help but smile wider.

Dinumog ng mga babae ang stage at natabunan si Vivian sa napakaraming babaeng lumalapit sa kanya. Muling pumula ang kanyang mga mata at muli na naman silang nahawi. Gustuhin man lang lumapit ngunit mas malakas ang kapangyarihan ni Fenier na gamit lamang ang pagpula ng mga mata ay kaya niyang kontrolin ang mga ito. Ngunit pagtingin niya kung saan nakatayo si Vivian ay wala na ito.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid ngunit hindi na niya makita pa ang kaisa-isang babae na hinihingian niya ng atensyon. Wala siyang pakealam kung dumugin siya ng magagandang kababaihan, si Vivian lang ang tanging gusto niya. Kung dati'y natutuwa pa siya dahil sa atensyon na nakukuha niya, ngayon ay hindi na. Aanhin niya ang atensyon ng mahigit isang dosenang babae kung ang kaisa-isang babae na gusto niya ay hindi niya makuha?

Pagkakataon na niya ito. Alam niyang may nararamdaman na si Vivian sa kanya.

Dali-dali siyang bumaba sa stage ngunit nagsilapitan naman sa kanyang ang mga bisita niyang bampira na nagmula pa sa iba't-ibang angkan. Gusto na niyang umalis at hanapin ang dalaga ngunit naharang na siya ng mga ito.

"I heard you're now the chairman of the most prestigious school in the whole six districts? Nasaan na si Gallian? Why did he give up his position to you?"

Giving up the position isn't the right term for that, idiot. I have the rights to be the chairman. I'm his son, stupid asshole.

Ngumiti na lamang siya. Kahit na maikli ang pasensya niya, hindi siya tanga para bumangga ng mga matataas na bampira. Oo, kaya niyang pulbusin ang mga ito pero magdadala lang ng gulo sa buong angkan kung makikipag-away siya.

"Who's the beautiful lady with you? Parang nito ko lang siya nakita." tanong ni Janinna Frost. Isa sa mga representatives ng Vampire Clan.

"She's my date." maikling sagot niya.

Nagbulungan ang mga bampira sa kanyang paligid. Siguradong ngayon pa lang ay kalat na sa buong angkan ang pagdadala niya ng "date". Noon pa lang, hindi na siya nagdadala ng date sa kahit anong event. Ngayon lang siya nagdala ng iisang babae. Madalas kasing pumupunta siyang mag-isa at awtomatikong mapapalibutan na lang ng mga babae. At hassle kung magdadala siya ng sarili niyang date dahil kadalasan nagkakaagawan ang mga babae at nagkakaaway-away. Ngayon, wala na siyang pakealam pa. Si Vivian na lang palagi ang dadalhin niya sa mga ganitong okasyon bilang date.

"May mga bago ka bang business na pinaplano?" tanong ni Waldor Nerman. "I can help you with it if you want."

I don't need your help, thank you very much.

"Thank you, Waldor. I'll think about it."

Halos mahigit kalahating oras din siyang nakipagplastikan sa mga matataas na bampira sa paligid niya. Halos sumakit ang pisngi niya kakangiti. Sa huli, naubos na din ang pasensya siya.

"Fenier, I would like to invite you to a dinner date tomorrow night–"

Hindi niya na hinayaan pang matapos ang sasabihin ng dalagang nasa harapan niya. Kung tama ang pagkakatanda niya, isa ito sa anak ng mayamang bampira na kilala sa distrito nila. Maganda ang babae, matangkad, maputi at higit sa lahat, maganda ang hubog ng katawan, pero wala nang pakealam pa si Fenier dito. Gustong-gusto na niyang mapuntahan si Vivian.

"I'm not interested, young lady, so can you please step aside?"

"But I want to know more about you–" pagpupumilit nito.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now