Chapter Seventeen: Secret Organization

29.8K 947 193
                                    

Chapter Seventeen: Secret Organization

Nagbuga si Fenier ng madaming usok mula sa kanyang bibig. He's been out all day, investigating about the Insanes wandering at night and killing people. Hindi kaagad siya makagawa ng hakbang dahil alam niyang ang organisasyon na kumakalaban sa kanila ay mga Vampire Hunter.

"What's your plan now, Fenier?" tanong ni Kendrick habang nakaupo sa mahabang couch.

"Kill them all if I'll have the chance," Pabagsak niyang inilapag ang tobacco sa kanyang lamesa. "But seriously, those Vampire Hunter bastards are being a pain in the ass. Hindi na ako magkaroon ng sexy time dahil sa daming trabaho."

"Uunahin mo pa ba ang kamanyakan mo?" Naiiling na sabi ni Fargus.

"Of course. Sexy time is the best time. Remember it." ngumisi si Fenier.

"Ang sabihin mo, hindi mo na magawang makahit ng mga babae dahil nakapako ka na kay Vivian. Aminin mo na, dude, na nahulog ka na kay Vivian." ani Jackson.

Tahimik lang na nakikinig sa kanila si Zimmer. Wala ang mga babae ngayon dahil may inaasikasong importanteng bagay ukol sa mga Insanes.

Humalakhak si Fenier. "I like her. The 'I want to fck her' kind of like though," He smirked. "I'll make her fall for me but I won't fall for her. That's my game."

"You know what? That game of yours will definitely bring you down," Uminom si Kendrick sa bote ng alak na nakapatong sa lamesa.

"Not if I bring her down first."

Napangiti si Fenier. Para sa kanya, ang mundo ay isang malaking playground na tanging siya lang ang naglalaro. He won't let anyone play him. Ang gusto niya ay siya lang ang maglalaro. Wala siyang pakealam kung may matapakan siyang emosyon o buhay man ng isang tao. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. At mabilis niya itong nakukuha dahil sa mabulaklak niyang bibig at makisig niyang pagmumukha. He's rotten down to his core.

Tumayo na si Fenier mula sa pagkakaupo. Kinuha niya ang mahaba niyang coat na nakasampay sa kanyang upuan. Walang paalam siyang lumabas ng kanyang opisina. Hindi na rin naman siya tinanong ng mga ito kung saan siya pupunta. Well, even if they did, he won't answer them anyway.

Habang pababa siya ng hagdan ay nakasalubong niya si Kora.

"Yo!" bati niya at bahagya niyang itinaas ang kanan niyang kamay.

Tumigil si Kora sa kanyang harapan.

"Fenier, can we talk?"

"Oh, what are we doing now then? Sleeping?" sarkastikong sabi niya.

Napayuko naman si Kora ngunit kalaunan ay nag-angat muli siya ng tingin. Her cold stare bores at him. "Listen, Fenier. I have something important to say. Please meet me later at the Town Square, 8 PM. I'll be waiting for you there whatever happens."

Magsasalita pa sana siya ngunit nawala na si Kora na parang bula sa kanyang harapan. Napailing na lang siya. Ano kayang importanteng bagay ang sasabihin sa kanya ni Kora? Tuluyan na siyang bumaba sa hagdan at kinalimutan na lang 'yon. Mas importante ang mga bagay na aasikasuhin niya ngayon.

Umihip ang malakas na hangin nang buksan niya ang pinto. Alasais pa lang ng gabi pero nakasilip na ang buwan sa kalangitan. Bumuntong-hininga si Fenier.

I guess I'll stop by the coffee shop.

Nagsimula na siyang maglakad. Hindi niya inalintana ang layo ng mansyon mula sa main gate. Nang makalabas siya ay bumungad naman sa kanya ang malaking kakahuyan. Sanay na siya dito. Nasa tagong parte kasi ang mansyon ng mga Walker para iwas-atensyon sa mga tao.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now