Chapter Four: Now We're Wasted

43.6K 1.2K 97
                                    

BABALA: SLIGHT SPG AHEAD (Hindi ko alam kung slight nga lang ba 'yon pero kung hindi niyo keri ang SPG, 'wag niyo nang basahin. Hahahaha!)


Chapter Four: Now We're Wasted


Oras na tumama ang mga mata ni Vivian kay Fenier, gusto na niyang umuwi. Alam kasi niyang mabibwisit lang siya. Ayaw naman niyang sumama in the first place kasi may trabaho pa siya pero masyadong mapilit si Kora. Matapos ang trabaho niya sa isa namang sikat na restaurant sa distrito ay nakita niyang nangangailangan ng tulong si Kora. Nahulog kasi ang gamit nito na sobrang dami sa kalsada at kahit isa ay walang tumulong sa kanya. Kahit na nagmamadali na siya patungo sa taberna para kumita na naman ng pera, nagawa pa rin niyang tulungan si Kora.


Napilitan siyang sumama dito dahil gusto daw nitong bayaran ang ibinigay na tulong niya dito. Sa huli, sumama na lang siya. At mukhang mali siya ng naging desisyon.


"Who's this beautiful woman with you?" Nakangisi si Fenier. Nagtanong siya kay Kora pero nakatuon ang buong atensyon niya kay Vivian. Kunwari pa'y hindi niya kilala kung sino but he's just starting the game.


Kora's eyes lit up. Her ghostly smile formed in her lips. "She's Vivian Petrovic. Tinulungan niya ako kanina habang papunta dito kaya naman naisipan kong isama siya. Pwede naman siguro siya dito, hindi ba?" Naningkit ang kanyang mga mata.


Sabay-sabay lang silang tumango. Alam kasi nila kung paano magalit ang isang Kora Schatz. Sa mga babae sa kanilang barkada, siya ang pinakatahimik ngunit pinakamaikli ang pasensya.


Pumasok na sila sa loob. Pinagmasdan naman ni Vivian ang buong bahay. Hindi niya maiwasang humanga dahil sa laki at ganda nito. Kumpara sa bahay nilang malapit nang magiba at puro anay, mukhang bagong-bago pa ang bahay na ito. Hindi, mansyon ito. May mga muwebles sa bawat sulok ng bahay na mukhang milyon-milyon ang halaga. Ang mga gamit ay nakakatakot hawakan dahil mukhang mas mahal pa sa buhay niya.


Tumigil siya sa tapat ng dingding na puno ng malalaking picture frame. Salinlahi ng mga Walker ang nakalagay sa mga litrato na nagsimula pa sa kanilang kanuno-nunoan. Sa pinakadulo ay litrato ni Fenier na nakaupo sa isang magarang upuan. Nakakrus ang kanyang paa at nakatuon ang kanyang siko sa hawakan ng upuan. Nakangisi siya at nakataas ang isang kilay.


Ang yabang talaga. Isip niya.


"We meet again, Ms. Petrovic."


Kinilabutan si Vivian sa malamig na boses na nanggaling sa kanyang gilid. Tumingin siya at nagtagpo na naman ang mga mata nila ni Fenier. Gusto niyang umirap ngunit nahagip ng gilid ng kanyang mga mata ang isang babaeng nakasuot ng magarang bestida na papalapit sa kanila.


"Oh! What a beautiful young lady!" bulalas ng babae. Nakipagbeso siya kay Vivian na siyang ikinagulat niya. "Are you Fenier's new friend?"


"Uhh," Umiwas siya ng tingin. "H-Hindi po. Dinala lang ako ni Ms. Kora dito para masuklian ang ginawa kong tulong sa kanya." Gusto na talaga niyang umuwi. Bakit ba kasi siya pumayag na sumama pa dito? Kahit na mapilit si Kora, dapat tinakbuhan na lang niya ito. Kaysa nakikisalamuha sa ibang bampira na kagaya niya, mas gusto pa niyang nagtatrabaho at kumikita ng pera.

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon