Chapter Twenty-Five

21.6K 743 80
                                    

Chapter Twenty-Five

Save Her

Vivian's POV

Nagising ako na nasa loob pa rin ng glass tube. The green water was stinging my eyes so I had no choice but to close it again. Kakaiba ang nararamdaman ko sa katawan ko. Pakiramdam ko wala ako sa loob ng katawan ko. Para akong lumulutang. Ang gaan ng aking ulo. Huminga ako nang malalim. Napasinghap ako nang maamoy ko ang kung anong gamot na inilalabas ng mask. Inikuyom ko ang aking kamao. Ano ba talaga ang gusto nilang mangyari? Nakuha na nila ang dugo ko. Bakit kailangan pa nila akong ipasok dito? May kinalaman ba si Fenier dito? Kaya ba nila ako kinuha ay dahil alam nilang may koneksyon kaming dalawa? Pero tapos na 'yon. Baka pa lang kami magsimula, tinapos ko na kaagad.

Kung mamamatay man ako dito, pagsisisihan ko na hindi ako naging tapat sa nararamdaman ko kay Fenier. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na kung mahuhulog man ang loob ko sa isang lalake, dapat doon sa alam kong seseryosohin ako. Dapat kung magmamahal ako, doon sa lalakeng sa akin lang titingin. Pero hindi gano'n si Fenier. Kabaligtaran siya ng lahat ng gusto ko sa isang lalake.

Napailing na lang ako sa aking isipan. Nandito nga ako't hindi alam ang kahahantungan, si Fenier pa ang naiisip ko. Nakakatawang isipin na kung dati halos isumpa ko siya pero ngayon hindi ko alam kung ano'ng kababalaghan ang ginawa niya at nagkagusto din ako sa kanya. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising sa katotohanan na lolokohin at paglalaruan niya lang ako.

Muli kong sinubukan na buksan ang aking mga mata. Wala pa rin sa pagtigil ang mga scientists sa pag-a-analyze ng mga data na nakuha nila mula sa 'kin.

Nakita kong nagtipon-tipon sila sa harapan ng isang monitor. May pulang button sa ibaba nito at ilang mga keys. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Masyado na din akong nanghihina. Pakiramdam ko din ay nangungulubot na ang balat ko dahil sa tagal ko nang nakababad dito.

Mayamaya ay unti-unting nababawasan ang tubig sa glass tube. Lumapit ang dalawang scientists nang ma-drain ito. Tinanggal nila ang mga tubo at kableng nakakabit sa 'kin ngunit hindi ang mask. Akala ko ay ilalabas na nila ako pero hindi nila ako inilabas. Hindi ko naman magawang lumakad palabas dahil pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko.

May kinuha ang babaeng scientist na syringe na may lamang pulang likido. Hindi ito dugo dahil masyadong malabnaw. Siguro ay gamot 'yon na kanilang ginawa.

Itinurok niya sa 'king leeg ang syringe. Napapikit naman ako. Wala akong naramdaman na sakit. Sa dami nilang beses akong tinurukan, hindi ko na 'yon maramdaman ngayon.

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Napamulat na lang ako bigla nang makaramdam ako ng paninikip sa dibdib at matinding sakit ng ulo na para bang mabibiak ito.

"Ahh!" sigaw ko at napahawak sa 'king dibdib. Gusto kong umupo ngunit mahigpit na nakalagay ang mask sa aking bibig. Patuloy pa rin ang paglabas ng kung anong usok mula sa mask. Habang natagal ay mas lalong sumasakit ang aking dibdib at ulo. Mabilis ang pintig ng puso ko na para bang sasabog ito. "A-anong nangyayari s-sa 'kin?!" sigaw kong muli.

Umubo ako at may kasamang dugo ito. Napuno ng dugo ang mask na suot ko. Naramdaman ko din ang pagtulo ng dugo sa aking ilong. Mayamaya ay may tumutulo na din sa 'king tainga. Sa sobrang sakit ay napasigaw na lang ako ng malakas. Hindi ko na mapigilan ang luha na kumawala sa mga mata ko.

"P-please...p-patigilin niyo a-ang sakit! P-parang awa niyo na!" sigaw ko ngunit pinapanood lang nila ako na para bang ito ang inaasahan nilang resulta.

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon