Chapter Eighteen: Drunk with Your Kisses

32.9K 954 151
                                    

Chapter Eighteen: Drunk with Your Kisses

Nagkalat ang mga bote ng alak sa kwarto ni Kendrick. Nakakalat din ang mga balat ng pagkain at maduduming damit sa sahig. Simula nang magkaroon ng kasintahan si Maia ay para bang nawalan na siya ng rason para kumilos. Pakiramdam niya ay lahat ng pagmamahal at paghihintay niya ay nauwi lang sa wala.

Ginulo-gulo niya ang kanyang buhok. He hated his self for being miserable like this. Ano pang mas sasama sa isang lalake na nagkukulong sa kanyang kwarto, without eating, without getting enough sleep and even without taking a bath. He looked so fucked up.

Matagal na niyang mahal si Maia pero dahil torpe siya, hindi niya magawang sabihin ito. Kaya ngayon nagsisisi na siya. Kung sana sinabi na niya noon pa ang nararamdaman niya, hindi na aabot sa ganito. Hindi bibigat nang ganito ang dibdib niya.

Habang nagmumuni-muni siya ay narinig niya ang pagkatok sa kanyang pintuan. He groaned. He didn't want to entertain anyone right now. He just wanted to stay in his dark room.

"Ken?"

Narinig niya ang malumanay na boses ng isang babae. Hindi siya tumugon. Hinintay niyang magsalita ito muli upang malaman niya kung sino ito.

"Ken, are you there? Nag-aalala ako sa 'yo kaya pinuntahan kita dito. Sorry for intruding to your house. Nagdala lang ako ng makakain."

Ah, Valerie. Isip niya.

Si Valerie ay isa sa mga babaeng nakilala niya sa taberna noong isang gabing nagpakalunod siya sa alak. Ito ang tumulong sa kanya na makauwi. Inasikaso pa nga siya nito. Simula no'n ay naging magkaibigan silang dalawa.

"Y-yeah, I'm here." He said huskily. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya kaya nahirapan siyang magsalita.

Tumayo siya at kinuha ang puting shirt na nakasampay sa upuan. Isinuot niya iyon. Uminom muna siya ng tubig para mabasa naman ang lalamunan niya. Naglakad siya patungo sa pintuan para pagbuksan si Valerie.

"Hey," he said.

Ngumiwi si Valeria at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "What the hell, Kendrick? You looked terrible."

Umirap siya. "Yeah, I know."

Sumilip si Valerie sa kanyang likudan. Mas lalo itong napangiwi nang makita kung gaano kagulo ang kanyang kwarto.

"Just for a freaking woman," she muttered. "Mabuti na lang tomboy ako."

Humalakhak si Kendrick. Pinanood niya si Valerie na pumasok sa kanyang kwarto. Isa-isa nitong nilimot ang mga kalat sa loob.

Sumandal siya sa amba ng pintuan. Valerie is a lesbian. Nalaman niya ito nang tinangka niya itong landiin. Kamuntik pa nga siya nitong masuntok sa mukha. Si Valerie din ang nagbigay sa kanya ng mga payo ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon isinasaisip.

"Val, why did you choose to be a lesbian? You're gorgeous and sexy for a lesbian."

Nagtaas ng kilay si Val. Kita sa mukha nito ang iritasyon. Ayaw niya kasing tinatawag siyang maganda o kaya ay sexy. "Because it's easier that way. Saka bigla ko na lang itong naramdaman. Hindi ko pinili ang pagiging tomboy na parang isang multiple choice na question kung saan ang choices ay mga kasarian. At isa pa, hindi ko kayang maging katulad ng ibang babae."

Matapos ang isang oras ay nalinis na kaagad ni Val ang kwarto niya. Bumalik na ulit ito sa dati nitong linis. Hindi naman siya pabaya sa gamit. Ang totoo ay ayaw niya ng makalat na kwarto pero nitong mga nakaraang araw ay wala na siyang oras para intindihin 'yon.

Naupo sila sa mahabang couch sa living room. Si Valerie pa ang naghanda ng makakain nila. Naggawa siya ng sandwich at nagtimpla ng apple juice.

"Nakausap mo na ba si Maia?"

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon