Chapter Nineteen: Crosk Falcon

31.6K 824 182
                                    

Chapter Nineteen: Crosk Falcon

Nagkalat ang mga gusot na papel sa sahig. Nabalutan ng itim na tinta ang ilang bahagi ng lamesa. Nakapatong sa gitna nito ang isang malaking libro na iilang pahina pa lang ang nasusulatan.

"Damn," bulong ni Crosk. Sumandal siya sa kanyang upuan at hinilot-hilot ang kanyang sentido.

Isa siyang writer, na siyang naging dahilan kung bakit halos itakwil siya ng kanyang mga magulang. They wanted him to continue the legacy of being a Vampire Hunter but he doesn't have a tiny interest about it. All he wanted to do was share his thoughts and express his feelings through pen and paper.

Sa ngayon ay nakakaranas siya ng matinding writer's block. He used to write fantasy stories but now he wanted something real. He wanted to write a true story. Ang problema niya ay kung kaninong storya ang isusulat niya. Kailangan niya ng inspirasyon sa pagsusulat.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan.

"Come in," he muttered.

Bumukas ang pinto. Napangiwi na lang siya nang marinig ang boses ng kababatang si Juriel Quincilla. "Crosk Falcon!" sigaw nito.

Bumaling siya dito. "What is it?" Sa matinis at malakas nitong boses, mas lalong sumakit ang ulo niya. "You don't have to shout."

Ngumuso si Juriel. Lumapit ito sa kanyang upuan. "Ehhh, nagugutom kasi ako. Samahan mo naman ako sa sikat na coffee shop sa central. Balita ko masarap ang pancakes at pastries do'n, e."

"But I'm doing something important, Ri."

Sumilip si Juriel sa librong nakapatong sa lamesa niya. "You haven't worked on that yet?"

Tumango siya. "I'm running out of ideas."

Ngumisi si Juriel sa kanya na siyang ikinapagtaka niya. "Why don't you write something about vampires? You wanted something realistic, right? Since pamilya natin ay Vampire Hunters, madali para sa 'yo na kumuha ng impormasyon tungkol sa kanila. Or you can observe them closely."

Kunot-noo siyang tumingin kay Juriel. "How would I observe them closely?"

"Fenier Harrison Walker was wandering the district like a runway model. Hindi siya natatakot na baka mahuli siya ng mga Vampire Hunter. But the point is, bakit hindi mo sa kanya iikot ang storya na gagawin mo?"

Napaisip siya sa sinabi ni Juriel. May isang ideya na pumasok sa kanyang isipan. Bakit nga ba hindi niya subukan? Dahil sa sinabi ni Juriel ay naisip na kaagad niya ang ipapamagat sa libro.

"I'll entitle the story 'Tales of the Unwanted Creature'. What do you think?"

Kumislap ang mga mata ni Juriel. "That's great! Excited na ako sa kalalabasan ng librong 'yan!"

Napangiti si Crosk. Juriel has been very supported ever since. Mga bata pa lang sila ay si Juriel na ang palaging nasa tabi niya. Ito ang nag-encourage sa kanyang ipagpatuloy ang passion niya sa pagsusulat. Ito ang kaisa-isang tao na tinanggap siya kung sinoman siya. Without Juriel in his life, he's probably tied in their legacy as the Vampire Hunter even though he doesn't want to.

"So, sasamahan mo na ba ako sa coffee shop?"

Napailing na lang si Crosk. "Fine."

"Yey!" parang batang sigaw ni Juriel. She's already twenty-two but she always act like a ten-year-old kid. Isama pa ang height niyang 5'1 na siyang natatabunan ng height ni Crosk na 6'1. "Tara na!" Ipinulupot niya ang kanyang braso kay Crosk.

Ginulo-gulo naman niya ang buhok ni Juriel. He loves her. So damn much. Pero ayaw niyang pumasok sa isang relasyon na kasama si Juriel. She is the only child and the only heiress of Quincilla household. Makakasama sa reputasyon nito ang pagsama nito sa kanya.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now