Chapter5 (teaser)

 

 

CHLOE’S POV

Two days after.

“Dylan, nakausap mo na si Beth?” tanong ni Vince habang bumababa sa hagdan.

Andito kami ni Baby Lance sa sala kasama ng magkapatid.

“Wow ha. Kung makaasta, parang bahay niya lang?” sabi ni Mische habang nakatingin sa TV screen.

“Ano ‘yon? May sinasabi ka d’yan PATA?” tanong naman ni Vince at umupo sa katapat na upuan ni Mische.

“Anong PATA?!!!” sigaw ni Mische.

“PATA! Ikaw! PATA! Ang laki ng hita mo! Parang PATA!!!” sigaw din ni Vince.

“Ang kapal ng mukha mong PAYATOT ka! Feeling mo naman! Ang pangit-pangit mo!!!” sabay tayo ni Mische.

“Aba! Mahiya ka nga d’yan sa sinasabi mo! May makarinig sa’yo, malaman pa nilang wala kang taste!” tumayo din si Vince.

“Mabuti sana kung may relasyon tayo, baka pa nga masabihan na wala akong taste!” humakbang palapit si Mische kay Vince.

Pakiramdam ko may kidlat na namamagitan sa tinginan nila.

!!!(.~~) ~~~~~~~~~  (~~.)!!!

Mische                     Vince

“Huh! At iniimagine mo pala na may relasyon tayo?!” humakbang din si Vince.

“Asa ka naman! Never!” hakbang ulit.

“Never? Never ka ng makakaget-over?” nakakalokong ngiti ni Vince.

“An---!!!”

“Oh baka naman.. May gusto ka na sakin nuh? Ha? Ano?” nang-aakit na sabi ni Vince at nagkagat-labi pa. Abnormal talaga. Natigilan naman si Mische.