36: Body

65.1K 841 45
                                    

LUIZ ALEXZANDER SANDOVAL III

Pagpasok ko sa room ng anak ko at nakita ko ito na nakatayo sa crib. Nakahawak ang maliit niyang mga kamay sa rail.

"Da..."

"Yes. It's me. Dada."

Tumayo ako sa gilid ng kanyang crib at kinarga ito. Mas mabigat na ito ngayong dalawang taong gulang na siya.

"Anak, ang bigat-bigat mo na!"

Humilig ang kanyang ulo sa aking balikat. Pinakiramdaman ko ang diaper nito dahil baka may laman iyon. Kaninang madaling-araw ay nagising kami ni Tallia sa iyak niya. But I went back to sleep when she said she can handle it.

"I wuv you," saad ko habang hinahalikan ang braso at kamay nito. "Daddy wuv you so so much."

"hmm... ma... da... ma..."

Inayos ko ang pagkakabuhat sa kanya upang magkatitigan kami. Pinunasan ko ang kanyang labi dahil nagbubula na naman ang laway niya.

"Lagi nalang mommy mo ang hinahanap mo."

"Baka kasi dedede na siya."

Napaharap ako sa may pintuan. Nakahilig sa hamba ang maganda kong asawa at mukhang kagigising lang niya.

We're both wearing heart-printed pajamas na binili ko last week. Lumapit siya sa amin at agad na sumama si Thunder sa kanya.

"Paano naman si daddy?"

"Edi, dumede ka rin."

A playful smile curved on my lips. Itinaas ni Tallia ang isang kilay.

I bit my lips at tumaas-baba ang aking kilay.

Mukhang nabasa nito ang nasa isip ko at namula ang kanyang mga pisngi.

"Pagkatapos niya, ako naman ah."

"Bwisit, lumabas ka na nga."

Umupo siya sa sofa at itinaas ang damit upang ilabas ang dibdib. Thunder latched on her nipple and started sucking. Nag-iwas ako ng tingin. This isn't the right time for that.

"Magluluto na ako ng breakfast. Anything you want to eat?"

"Iinit mo nalang 'yong adobo na tira natin kagabi. Marami pa iyon. Tapos magprito ka ng itlog."

Tumango ako bago lumabas ng silid. We still make love pero hindi na ganoon kadalas. Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Thunder. Sa kanya umikot ang bawat araw at gabi.

Damn it. I am jealous with my own kid! Zander, you're a stupid son of a gun!

Habang kumukulo ang sinaing sa rice cooker ay inilabas ko na ang adobo at pati na rin ang itlog na lulutuin. Hindi na ako pumasok buong araw dahil mamayang gabi ay gaganapin ang Christmas party ng employees ni Tallia. Nauna na i-celebrate 'yong sa Sandoval Group at sinamahan din ako ni Tallia doon.

Ngunit kailangan ko pa rin mag-attend sa zoom meetings with clients.

Nilapag ko na sa mesa ang lahat ng niluto at sakto ang dating ng asawa ko para sa breakfast.

"Kailangan na pala natin magpa-schedule sa pedia ni Thunder," saad niya. "Baka makalimutan natin."

"Sige, sabihan mo ako kung kelan 'yong schedule para mailagay ko sa calendar ko," nakangiti kong saad. "Saka tumawag si Mama kahapon, nagtatampo. Hindi na raw tayo bumibisita."

"Kakabisita lang natin last week."

"Si Thunder ang unang apo. Alam mo naman ang sitwasyon kapag ganoon."

Forsaken Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon