32: We Let Things Go

68.3K 912 98
                                    

JADE TALLIA

Apat na araw na ang nakaraan, nabalitaan ko na umalis na si Zander at kasama niya si Rosie. Wala kaming naging konklusyon sa paglayo namin sa isa't-isa ngunit ito ang makabubuti para sa amin. Ang tadhana nalang ang bahala kung magkikita kami o hindi na.

Nakatulala lang ako sa labas ng bintana ng aking condo. Pinapanood ang mga naglalarong ilaw habang ang luha ko ay patuloy na umaagos sa aking pisngi.

I can't believe this, I still love Zander after all these years. I still love him.

How pathetic. I'm a fool. Stupid.

I smiled sadly and wiped away the tears. Umalis na rin ako sa SGC upang maiwasan pa ang kahit anong komunikasyon namin ni Zander.

Lumingon ako upang tingnan ang mga maleta na maayos na nakapila sa foyer. I've decided to leave this city and start a new life in our province. Nagpaalam na ako kay mama at humingi siya ng tawad sa akin.

This is the end.

Nangako ako sa kanya na bibisitahin ko siya paminsan-minsan. Kahit naman nagbago na si Mama ay hindi ko pa rin nakalilimutan ang mga pinagsamahan namin. Naging anak na ang turing niya sa akin at iyon ang pinakamahalaga sa lahat.

The doorbell rang and I walked towards the door. Apollo was there. Oh, yeah, I called him. I called him because Zander left.

I opened the door, and he immediately hugged me.

"Apollo..."

"Yeah," saad nito bago lumunok. "I'm here."

Niyakap ko siya pabalik at ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. I weep so hard. He carried me and closed my door. Umupo siya sa sofa at inilagay ako sa ibabaw ng kanyang hita.

"I let him go, Apollo. I did it."

"And that's very brave."

"I'm sorry kung naistorbo kita. Wala akong ibang malapitan at makausap."

"Naiintindihan ko na nahihirapan ka. Magiging maayos din ang lahat, Tallia," bulong nito habang hinahaplos ang aking buhok.

"And I'm so sorry, Apollo. I hope you forgive me for--"

"Shh, matagal ko ng tanggap iyan."

"Sana ay matagpuan mo ang pagmamahal na labis kang pasisiyahin. Na hindi mo mapapansin na nakalipas na ang buong araw habang kasama mo siya."

"Salamat. Kapag kailangan mo ng tulong, huwag kang mahihiya na lapitan ako as a friend. Okay?"

Hindi nagtagal ay umalis na rin si Apollo. Nang magdilim ay tanging mga pin lights lang ang binuksan, I find calmness in darkness. Umupo ako sa mahabang sofa at niyakap ang aking binti. Nakaharap ang sofa sa malaking bintana at pinagmamasdan ko lang ang pagkinang ng mga bituin sa kalangitan.

This is the right thing to do, I let him go.

Ako rin ang dahilan kung bakit nangyari ito sa akin. Bakit hindi ako nagpakalayo na noong iwanan ako ni Zander? Sana ay pinutol ko na ang lahat sa amin? Siguro ay may punto sa buhay ko noon na umaasa pa rin sa pagbalik niya.

O kaya ay para ipamukha sa kanya ang success ko noong nawala siya. I wanted him to see that I'm still better even without him.

But all I did was nothing but ruin my life and everyone else's.

Biglang tumunog ang telepono ko at dumiretso iyon sa voicemail.

'Hi, this is Jade Tallia. I am currently not available. Just leave the message and I'll get back to you. Thanks.'

"Sweetheart," I flinched when I heard the voice of the man I've been longing for. "It's been a while. It's nice to hear your voice even if it's only voicemail."

Sumandal ako at umayos ng upo. Pinikit ko ang aking mga mata habang pinapakinggan ang sinasabi nito.

"I miss you, baby. I really do. Rosie and I decided to part ways. We didn't have a good start, Tallia. I didn't give it a chance. But each day that I'm with you, I feel like I'm the best version of myself. I know it's difficult to believe this but I really love you, Tallia. Every day that I'm not with you feels like a living hell."

Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang paghihirap sa boses nito ngunit hindi ko alam kung ano na ang tamang gawin. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili.

We're both trash people for hurting Rosie. I hurt her. We hurt her. Do we really deserve to be happy?

"Mahal kita, Tallia. Hindi ko nakita noong una pero ngayon ay sigurado na ako na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. At dahil mahal kita ay pumayag ako sa kagustuhan mo na lumayo even if it hurts every single day."

I heard his voice crack.

"I miss you, Jade Tallia. Ang hirap malayo sa iyo."

Oh god, I miss you too.

"Hindi ko alam kung nandito ka pa rin dahil nasabi sa akin ni mama na uuwi ka na ng probinsiya. Habang naka-record ito ay nakatayo ako ngayon sa harapan ng pinto ng condo mo." Napasinghap ako nang marining ang sinabi nito at napalingon ako sa gawi ng pintuan. "Kung nandyan ka, mahal ko... maaari mo ba akong papasukin muli sa buhay mo? I will do better this time."

Tumayo ako at tumungo sa foyer. Nakatayo lang ako roon dahil hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto. Natatakot ako.

"Tallia... kahit hindi ngayon, hindi pa rin ako susuko. Maghihintay pa rin ako sa iyo dahil mahal kita."

Nagtatalo ang puso at isip ko sa kung ano ang pipiliin.

"Kahit wala ka sa tabi ko ay naririnig ko ang boses mo, naaamoy ko ang pabango mo, at nakikita kita sa aking panaginip. I'm so obsessively in love with you. What have you done to me? No, this is my fault. I placed my heart on your hands."

Kusang kumilos ang aking braso. Inabot ko ang doorknob at binuksan iyon.

"Hi, mahal."

I threw myself on him and bury my face on his chest. Mahigpit kaming magkayakap ng ilang sandali.

"I love you, too! I love you!" paulit-ulit kong sinasambit.

Marahan siyang naglakad at umatras ako hanggang sa makapasok kami sa loob. Sinara niya ang pinto habang ako ay humihikbi sa kanyang mga bisig.

"But we hurt her. We hurt Rosie. Do we really deserve this?"

"Tallia, it's not your fault. It's mine."

"This is my fault. I threw myself on you. You married me. Wala siyang ginawang mali sa akin pero sinaktan ko siya. Inagaw kita sa kanya."

"Tallia..."

"Inagaw kita sa kanya. Kaya pinili ko na lumayo sa iyo, nagbabaka-sakali na maayos niyo pa. Na bumalik pa ang feelings mo sa kanya. Alam kong hindi ko na mababalik ang dati, na kahit ilang beses pa ako humingi ng tawad sa kanya ay wala ring mangyayari."

Tila isa akong bata na nagsasalita sa pagitan ng mga hikbi. Kahit pinapahid ng palad ni Zander ang luha sa aking pisngi at patuloy pa rin ang pagtulo niyon sa aking mga mata.

"Zander..." I sobbed. "I'm the bad person."

"It's going to be okay, Tallia."

"No, it's not going to be okay. Rosie did not deserve this!"

"She told me to go to you. Siya ang nagtulak sa akin papunta sa iyo."

"Hinayan ka niya na piliin mo ako?"

Tumango siya. "She deserves someone better. Better than me. At para masuklian ang sakripisyo niya ay maging masaya tayo. Tallia, please?"

Sa kabila ng luha ay ngumiti ako at tumango. Niyakap namin ang isa't-isa at hinalikan niya ang aking labi.

Forsaken Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon