1: The Day He Despised me

183K 1.9K 113
                                    

Jade Tallia Valdez

Pabaling-baling lamang ako sa aking kama dahil hindi pa dumarating si Zander. At pinangako ko kay Tita Xandra na malalaman niya kinabukasan kung anong oras nakauwi ang kanyang anak.

Napatayo ako nang makarinig ng pumardang sasakyan sa labas ng malaking gate. Ang iilang kasamahan kong katulong ay agad na binuksan ang maliit na gate. Mabilis akong bumaba ng hagdan at naabutan sila na inaalalayan si Zander habang papasok sa sala. Agad akong sumaklolo nang muntik nang bumagsak si Zander sa malamig na sahig.

"Zander? Lasing ka?" Saad ko at inalalayan siyang tumayo. 

Ala-dos na ng madaling-araw at ngayon lang siya umuwi, at higit sa lahat lasing pa siya.

"Nophe! Nakahinum lahang!" Sabi nito habang iniikot pa sa ere ang susi ng kotse nito. Kinuha ko yun dahil baka mabagsak niya at lumikha ng ingay.

Sumenyas ako kay Ate Lila na ako na ang bahala kay Zander. Alam kong pagod na pagod na sila dahil sa maghapong gawain samantalang ako naman ay naka-day off dahil sa nalalapit na exam. Pangalawang taon ko pa lamang sa college samantalang si Zander ay nasa huling taon na niya.

"Sino ang naghatid sa iyo? Lasing na lasing ka." Inis kong saad. "Paano ka pa makakapasok bukas?"

Nilapit ang labi sa aking tenga bago sumagot. "Friends."

Halos tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang maiinit nitong paghinga.

"Ang bigat mo." Reklamo ko habang inaalalayan ito na makaakyat sa hagdanan.

"Hindhi mho naman akho kailangan tulungan eh."

Hindi ko siya pinansin. Hiniga ko siya sa kama niya at humugot na malalim na paghinga. Malaking tao si Zander at kung hindi ako nagbubuhat ng kung ano-anong mabibigat figurine sa mansyon na ito habang nagliligpit ay hindi ko kakayanin ang bigat ni Zander.

I removed his shoes and unbuttoned his polo. Nanginginig ang aking mga kamay habang ginagawa iyon sapagkat hindi pa ako nakakakita at nakakahawak ng katawan ng isang lalaki. Lumabas muna ako para kumuha ng maligamgam na tubig pamunas dito.

Umungol ito na parang naginhawaan sa ginagawa ko. Napatigil ako sa pagpupunas nung hinawakan niya ang aking kamay. Papalayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin dahilan para mapahiga ako sa ibabaw nito.

"You are so warm. Warmer than any woman I've dated." Bulong nito na siyang nagpa-init sa aking pisngi.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Zander habang nakapikit ito. Hindi ko alam kung maaalala ni Zander ang nangyari ngayong gabi dahil lasing na lasing ito ngunit hahayaan ko muna ang aking sarili na malunod sa init ng katawan nito.

Nagising ako sa isang panaginip nang maramdaman ang pagpalupot ng kanyang braso sa aking bewang.

"Zander! Sandali.." He kissed me hungrily. He bit my lower lip and I gasped. 

Sinamantala niya iyon para maipasok ang dila nito. Nakadilat pa rin ako at gulat na gulat.

I kissed him back. Ginaya ko kung paano gumalaw ang labi niya.

Nung naramdaman kong pumaloob na yung kamay niya sa damit ko. Tinangka kong kumalas pero hinila niya ulit ako.

"Be still, Babe." Sumunod naman ako. 

Iniba nito ang aming posisyon at ngayon ay ako naman ang nasa ilalaim niya. Nahubad na nito ang duster na suot ko.

He touched my breast. "Zander!" 

Forsaken Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon