9: Mad

126K 1.3K 63
                                    


JADE TALLIA VALDEZ

Tumalikod na ito at iniwanan akong nakatulala. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso dahil sa nangyari.

"What are you still doing here? Leave." Ang malamig niyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Mabilis kong tinungo ang pinto palabas sa kanyang opisina at sinara iyon. Nanginginig ang aking tuhod habang nanatili ang mga kamay na nakahawak sa doorknob.

I realized that Zander will do anything to have his revenge on me. Alam kong hindi ito titigil hangga't 'di ako nasasaktan ng todo.

Simula ngayon, sasayaw ako sa musika na gusto nito. Kikimkimin ko lahat ng sakit dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito sa akin. At kapag tapos na siya, pwede ko na sigurong buuin muli ang aking sarili. Nagawa ko na iyon noon at magagawa ko pa rin iyon ngayon.

"Tallia?" Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan. I saw Apollo's worried face. "Are you okay? Namumutla ka."

Huminga ako ng malalim at tumikhim bago magsalita. "I'm fine. Ano ang gagawin mo dito? Makikipag-away ka ulit?"

His lips formed a thin line. "Depends."

"Both of you should stop acting like a child." Napailing kong sabi. Sinabayan ako ni Apollo sa paglalakad at kinuha na rin niya ang dala kong paperbag.

"Are you on his side?"

"I'm not taking anyone's side."

"I doubt." May bahid ng pagtatampo ang boses nito. Bumasok kami sa private elevator at pinindot nito ang basement kung saan nakaparada ang sasakyan ko.

"Apollo, I want to thank you for staying beside me all this time." I said, changing the topic.

He chuckled. "Do you think 'thank you' is enough?"

Sumimangot ako. "I won't give you a kiss."

"You don't have to kiss me back."

"Kiss the wall." Nakakapagtaka ang kinikilos ni Apollo. Hindi ito naging mapilit kahit minsan ngunit ngayon ay nag-iiba ang awra nito.

"He won't find out, I promise."

"I'll punch you in the face if you don't stop this."

Nabigla ako nang idiin niya ako sa malamig na haligi ng elevator at nilagay ang magkabila kong kamay sa gilid ng aking ulo. "How can you stop me when I'm stronger than you."

Mabilis kong itinaas ang aking tuhod para masaktan ang bagay na nasa pagitan ng kanyang hita ngunit nakaiwas ito. Binitawan na rin niya ako at lumayo ng kaunti sa akin.

"I almost lost my life there!" Natatawang sabi nito.

Hinampas ko ito sa braso. "What's with you?!"

"I know Zander, Tallia. That's why I want you to know how to protect yourself." Bahagyang sumeryoso ang kanyang mukha.

"Okay." Tumango ako at pagkatapos ay inirapan ito. "But that made me uncomfortable, Apollo. Don't do that again."

"I'll try my best, princess."

Sumakay na ako sa aking sasakyan pagkatapos magpaalam kay Apollo. Pagdating ko sa bahay ay nagpatulong ako sa iilang kasambahay para magbaba ng gamit at inayos iyon sa aking kuwarto.

Naabutan ko si Mama na nagbabasa ng libro sa living room. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako napansin. I hugged her on the back and kissed her hair.

"Tallia? Bakit ang aga mong makauwi?" Nagtatakang tanong niya.

"Inalis ko lang lahat ng gamit ko sa office, 'ma. Kasi si Zander na ang gagamit niyon."

"Sit beside me, my dear. Let's talk, tell me what happened." Malambing nitong sabi. Umupo ako sa kanyang tabi. Hawak niya ang aking kamay habang sinasabi ko ang naging desisyon namin ni Zander. Na hindi na ako muling tatapak sa kompanya nila at sa kahit anong pag-aari nito.

"But you've worked hard for it." Saad nito. "Do you want to take over the our food industry? Pwede kitang gawing branch manager--"

Pinilit kong ngumiti. "It's okay, 'ma. Mayroon naman akong napundar na maliit na shopping center kaya d'on na muna ako magfo-focus."

"I know he's giving you a hard time, Tallia. But, I can feel that he'll fall in love with you. You're a very wonderful woman. Hindi ka mahirap mahalin, Tallia."

I met her eyes and squeezed her hand. "Thank you, 'ma."

After namin mag-usap ni Mama ay nagpaalam ito na aalis dahil a-attend siya ng birthday ng kamag-anak. Pinasama ko ang personal nurse nito para 'di ako mag-alala sa kung ano ang kanyang kakainin.

Hinintay kong umalis ang sasakyan bago pumasok sa bahay at simulan ang pagliligpit. Hindi ko namalayan ang oras kundi ako niyaya ng isang kasambahay na maghapunan. Bumaba ako at naabutan si Zander na parang kapapasok pa lang sa loob ng bahay.

"Hi." Bati ko.

"Hi." Walang-ganang sabi niya.

"How's work?"

Dumilim ang mukha nito. "It was hell. You left too many pendings."

"That's because you kicked me out suddenly." I laughed a little.

"This isn't funny, Tallia. I almost skipped lunch because of that."

"Oh. You're starving? Great! Dinner is served." Pang-aasar ko sa kanya at naglakad na papunta sa kusina. Umupo sa isa sa mga upuan at nagsimulang kumuha ng mga nakahain na pagkain.

"Leave us." Nagpanting ang tainga ko sa ma-awtoridad na utos ni Zander sa mga kasambahay na sasalo sa amin.

"Zander, they eat with us--"

"They have to eat somewhere else. I don't want to eat together with them, I'll lose my appetite."

Isa-isang umalis ang mga kasambahay dala-dala ang kanilang plato. Napansin ko na halos mangiyak-iyak ang isa habang nanginginig na lumabas sa dinning room.

Matalim ko itong tiningnan pagkatapos niyang umupo sa bakanteng upuan sa aking harapan. "Zander, you're being disrespectful."

"Maids should not eat with their master." Humigpit ang hawak ko sa kutsara. "Now I'm thankful that you've became a professional because it'll be embarassing if people discovered that I married a maid. I'll be a laughing stock."

"Hindi mo sila kailangan maliitin, Zander. Hindi komo't pinapasweldo mo sila ay nabayaran mo na rin pati ang kanilang pagkatao."

"Damn. You nag too much and always contradicting me." He is pissed. "You're nothing like Roselyn, she always let me do what I want."

So, her name is Roselyn, huh? What a sweet name.

"Baka kasi magkasing-sama kayo ng ugali kaya hindi kayo nagtatalo ng ganito."

"Woman, take that back. I won't let you insult my girl like that." Matigas na sabi nito.

"I will not." Laban ko.

"You don't know anything about her!" Tumaas ang boses nito.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking kutsara. "How amusing. Ganyan ka palang magmahal, Zander. Kaya mong kalabanin at talikuran ang lahat para lang sa kanya. She must be very lucky to have you."

Nagbuntong-hininga ako, nagbabaka-sakali na maging solusyon iyon sa naninikip kong dibdib. Ngunit, kulang pa. Gusto kong umiyak pero hindi maaari.

"I'm sorry." He blurted out. Napatingin ako sa kanya.

"What?" Bulong ko.

"The workload made me edgy. Mamaya ay hihingi ako ng paumanhin sa kanila dahil sa inasal ko."

Tumango ako. "Thank you."

Nagsimula na kaming kumain at ni-sa sa amin ay walang umiimik. Ininom ko ang isang basong tubig at pagkatapos ay tumayo na para ilagay sa lababo ang aking pinagkainan.

Kasalukuyan kong hinuhugasan ang aking kamay nang may maramdaman akong mainit na paghinga sa aking tenga. "Tallia."

Humarang ang dalawang braso nito sa magkabila kong gilid. Humarap ako sa kanya at halos magkalapit na aming mukha.

************
REVISED: MARCH 3, 2019

Forsaken Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon