23: Having A Moment

92.8K 1.1K 183
                                    

THIS STORY IS UNDER REVISION. That is the reason why some chapters have no contents. Since I have work on weekdays, I can only make an update by weekends.

••••••••
JADE TALLIA

Halos tatlong araw na akong hindi ginugulo ni Zander, siguro ay nag-iisip ito kung paano masosolusyonan ang problema na ito. Mainam pa ay maihanda ko na rin ang aking sarili sa kung ano man ang mangyayari. If he doesn't choose me, life must go on. Maganda naman ako, marami pa akong mahahanap.

"Miss Tallia, tapos na po akong ayusin 'yung new stocks natin." I lost my train of thoughts when one of my employees spoke.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat po. Bumiyahe na po ba tatlong truck natin for deliveries?"

Tumango ito. "Yes, ma'am. Maaga po silang umalis."

"Sige. Aayusin ko muna i-audit 'yung iba nating items. Magpahinga po muna kayo. Baka po sumakit ang likod niyo sa bigat ng binuhat."

"Salamat po."

Pagkatapos nitong umalis ay bigla na lamang tumunog ang phone na nasa aking bulsa. Inilabas ko iyon at nakita ang pangalan ni Mama sa home screen. Humigpit ang aking hawak at para bagang nagdadalawang-isip kung sasagutin ito.

Pero hindi ko matiis ang babaeng naging ina sa akin. "Good morning, 'ma."

"Tallia.." I noticed her voice broke. Is she crying? "I'm sorry. Please come home."

"Mama, umiiyak po ba kayo? May problema po ba?" Nag-aalala kong sagot.

"Namimiss na kita, anak." Halos mapapikit ako sa pagkakabanggit nito. She called me 'anak'. For me, that's enough para mahugasan ang lahat ng sama ng loob ko.

"I... I'm sorry, 'ma. Just give me a week and I'm going back. I just want to take a breathe." I said softly.

"I understand. How have you been? Kumakain ka naman ng tama?"

"I'm okay, 'ma. You din't have anything to worry about. How about you? Hindi ka ba nagiging pasaway sa personal nurse mo? Iniinom mo lahat ng pang-maintenance?"

"Yes. Inaalagaan naman ako nila Jella dito. Pero iba pa rin ang pag-alaga mo, Tallia." Halos kalahating minuto kaming nag-uusap ni Mama. Nararamdaman ko ang sabik sa boses nito habang kausap ako.

Maggagabi na nang bumalik ako sa condo. Halos napagod ako sa dami ng inasikaso kong pending documents sa aking sariling negosyo. Ito ang naipundar ko sa lahat ng naging sahod ko sa Sandoval Group. Kahit pagod ay kuntento ako sa aking mga ginawa. Kaunting ipon pa ulit ay magpapatayo ako muli ng panibagong commercial building.

Lumabas ako sa elevator at mabilis na naglakad papunta sa aking unit. Baka may makasalubong na naman ako. I was about to close the door when my phone rang. This time, its Apollo.

"Hey." Bungad ko.

"Damn it, Tallia. You gotta help me." May bahid ng inis sa boses nito.

"Huh? Bakit? Are you in trouble?" Nag-aalala kong sabi.

"No. Pero itong magaling asawa— damn it, Zander. Don't you dare puke there!"

"You're with him? Ano'ng ginawa?" Tumaas ang isa kong kilay.

"Bail us out! Please. Nandito kami sa police station. Few blocks away from Henroso."

Halos wala pang isang oras ay narating ko na ang sinasabing Police Station ni Apollo. Nacu-curious ako kung ano ang ginawa nilang dalawa to end up like this. Knowing Apollo, ayaw nito na nadudungisan ang kanyang reputasyon.

Forsaken Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon