Masaya ako

1.2K 7 0
                                    

Kasiyahan. 


Masaya sa mga bagay na dapat ikasaya at dapat ikatuwa
Sa mga bagay na masaya kaya ako ay nasisiyahan.

Masaya ako kapag kausap ka.
Masaya ako kapag nakikita ka.
Masaya ako sa mga panahong lumilikha tayo ng mga bagay bagay na nakakapagpasaya ng aking damdamin kaya nararapat na ako ay maging masaya.

Pero hanggang kelan ako magiging masaya? 

Minsan aking sinasabi sa sarili na lahat ng bagay ay limitasyon at alam na ang kasiyahan ay panandalian lamang dahil pwede itong mapalitan ng kalungkutan.  Kalungkutan na bumabalot sakin kapag walang ikaw--- kapag walang tayo. 

Hindi ko lubos isipin na sa lahat ng kasiyahan ay maglalaho na lamang ito na parang bula.  Parang ikaw. Parang tayo.  Dahil wala na ang dati. 

Masaya ako sa mga panahong ito. Hindi dahil sa iyo, hindi dahil sa iyo, mahal.  Kundi sa mga alaala na iniwan mo.  Sa mga alaala na aking binabalikan dahil ito na lamang ang natitirang bagay na pwedeng balikan.  Masaya ako dito at sana hindi na mawala pang muli, dahil ito na lamang ang natitira sa akin. 

Compilation of Tagalog Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon