Takot

1.1K 6 0
                                    

Takot ako
Nakararamdam ako ng takot sa mga bagay na nakakatakot
Sa mga bagay na kinatatakutan ng karamihan
Sa mga bagay na may kinalaman sa pagmamahal

Natatakot ako gawin ang mga bagay sa pangalawang pagkakataon
Dahil alam ko ito'y masasayang lamang ng panahon
Pipigilan ko ang aking damdamin upang di masaktan
Upang di na umuwing sawi at luhaan

Natatakot ako umibig

Dahil minsan nang umibig at nawalan
Minsan nang nagmahal at nasaktan
Minsan nang umasa at napaasa
Pero palaging naloloko at iniiwan

Bakit mo pa kailangang mangiwan kung kaya mo naman manatili?
Bakit mo pa ko nilapitan at sinabi ang nararamdaman kung hindi naman paninindigan?
Bakit mo pa pinipilit na ako'y masaktan?
Bakit mo pa ako pinili kung ako lamang naman ay panandalian?

Bakit ako pa? Sana iba nalang.

Dahil ako'y takot na kaya di na magmamahal.
Hindi na susugal sa nararamdaman
Hindi na muling mahuhulog pa
Dahil ayoko na masaktan, ayoko na umiyak, ayoko na mating talunan

Walang masisisi sa mga bagay na hindi na pwedeng maulit pa
Dahil minsan ang mga bagay na hindi na mauulit ay mas piniling hindi na muling balikan
Mas pinili na manahimik na lang
Dahil minsan ang mga bagay na paulit ulit ay siya 'ring paulit ulit na iyong binabalikan
Ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ng ganyan

Kailangan kapag sumugal dapat ay matapang para harapin ang mga bagay na hindi pwedeng talikuran pero paano ako muling susugal kung palaging takot ang tanging nararamdaman?



Compilation of Tagalog Spoken Poetry Where stories live. Discover now