MATA

92 5 0
                                    

Malungkot, walang emosyon na makikita sa mga mata
hindi mabasa, hindi maintindihan
blangko-- wala

Natagpuan kita
Sa isang pangyayaring mabilis din nawala
Saglit lang, mabilisan lang
Parang lumipas ka lang sa aking harapan
na tila ba'y wala kang napansin o naramdaman
nandito ako sa harap mo
bakit hindi mo ako nabisto,
nalilito at parang ang mundo mo noong sandaling iyon ay magulo
Pilit na iniintindi ang dapat intindihin
Pilit na binabasa ang mga salitang hindi na nababasa dahil ito'y hindi sayo nakarehistro, bagong-bago at ikaw ay naninibago
Pilit na ginagawa ang mga bagay na hindi nararapat na gawin ng isang tulad mo
Pilit na isinisiksik ang sarili sa mundong hindi para sa kanya, katulad ng pagsisiksik natin sa mundong hindi nararapat para sa atin, na sa paglipas ng panahon ay tayo nitong niluwa at pilit na pinaglayo

May mahika yatang nakapaloob sa iyong mga mata
Na kapag tumingin ka dito ay mapapatagal ka na dahil sa ganda
May mga imaheng mababasa
Mga pangyayaring maaalala


Tumingin ako sa mga tala sabay tingin sayong mga mata

Tama, wala silang pinagkaiba

Patuloy na nagniningning, kapwa'y maganda sa aking paningin, na kahit kailanman ay hindi ko magagawang limutin.






Compilation of Tagalog Spoken Poetry Where stories live. Discover now