WALA

372 2 0
                                    

Ganun na lang ba kadali ang lahat?
Pagkatapos ng paghihirap at pagmamahal na lubos inalay, hindi na magiging sapat?
Hindi na pahahalagahan?
Papasinin?
At tuluyan ng kakalimutan?

Oo nga pala wala nga palang tayo.

Naalala ko pa noong araw na sinambit mo sa harapan ko mismo ang mga katagang yan sa harap ng maraming tao.

Nanlalamig
Nanginginig
Umiiyak

Masayang nag-uusap
Palaging magkasama
May mga pangarap na binuo magkasama

Bakit?

Bakit bigla ka nalang nawala?
Sinama mo ang pag-iibigan na iyo 'ring binalewala

Wala na ba talaga?

Sana ako nalang siya
Sana ako pa rin

Bakit ka ganito?

Kailangan pa bang magkaroon ng tayo para hindi mo ako iwanan?
Kailangan pa ba isigaw sa buong mundo na nagmamahalan tayo?
Kailangan pa ba na maging katulad niya ako para tuluyan kang bumalik sakin?

Kung ganoon, sana tayo.

Sana tayo nalang ngayon.

Compilation of Tagalog Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon