Sa mga pangako natin sa isa't-isa, ako lang ang hindi nagpako ng salita sa ating dalawa
Sa mga pangako natin sa isa't isa, ako lang ang tumupad mag-isa
Hihintayin natin ang isa't isa pero lumisan ka, naiwan ako at nagdusa
Sasamahan natin ang isa't isa kapag nadapa tayo pero noong nadapa ako, tinignan mo lang ako, nanatili kang nakatayo
Iiyakan natin ang mga malulungkot na pangyayari pero habang lumuluha ako, humahalakhak ka
Lalamguyin natin ang karagatan pero nilunod mo ako
Pero kahit na ganun...
Nanalo ako
Natuto ako
Naging masaya ako
Nangako tayong dalawa, natupad ko ito nang mag-isa