Kay sarap pagmasdan
nakangiti sa kawalan
ang babaeng kinaadikan
hindi maipaliwanag ang nararamdamanNgiting kay tamis
pagod ko sa maghapo'y naalis
hindi ako nakatiis
lumapit sayo nang kay bilisNahumaling na nga siguro sayo
ano ba ang problema nitong sarili ko
hindi muna inisip ang mga tao
basta ang alam ko ngayon ay naguusap na tayoPero huli na ng malaman ko na hindi pala ako ang dahilan ng pag-ngiti mo dahil habang tumatagal ang usapan ay siya rin ang paglapit ng iyong kasintahan.
Di ko naisip na siya pala ang pinagaalayan mo ng ngiti na akala ko'y akin--- akala ko'y masaya ka sa pagkakita sa akin, oo masaya ka, pero nagkamali ako, sakanya pala.