PAGITAN

102 3 0
                                    

Ganito pala ang buhay
May mga bagay na ibibigay sayo pero dapat mong ingatan
Alamin ang tunay na gamit nito
Kung ano, saan, paano
Para kanino?
Oo, posible rin

Kamay para sa panghawak ng mga bagay
Hindi dapat mabasag, hindi dapat masira
Dapat iniingatan, hindi lang basta hinahayaan

Braso na pang-akap sa mga taong nilalamig
Nangangailangan ng init ng pag-ibig mula sayo
Kinulang na ng lakas para ang init ay mailabas
Kinulang na ng paniniwalang sa problema'y siya'y makakatakas

Bibig para makapagsalita
Para mapaihayag ang magandang balita
Walang masama kung ikaw ay isang  batang musmos
Basta hangga't maaari ang mga salitang lumalabas sa bibig mo ay maayos

Ilong para makaamoy
Tenga para makarinig
Isip para mapili ang nakabubuti
Puso para magmahal

At sa huli
Ang mga mata
Ang iyong mga mata

Itong pares ng mata na palaging pinupukaw ang atensyon ko
Sa tuwing tayo'y magkakasalubong palagi akong deretsong titingin sayo
Na para bang wala sila, walang nangyayari
Tayong dalawa lang, tayong dalawang nagkatinginan lamang

Sa pagtingin ko sayo, bakit blangko nanaman ang mga matang paborito ko
Bakit wala nanaman akong makitang emosyon mo
Bakit wala lang sayong nagtagpo muli ang ating mga landas
Para bang hindi mo rin naalala na ang nakikita mo sa harapan mo ngayon ay dati mo nang nakita sa hulihan
Sa hulihan ng pila ng mga taong mahalaga para sayo

Mga mata

Mga mata para makakita
Makita ka ang paborito kong eksena
Lalo na kung ang mga mata mong nakatingin sa akin ang mamamasdan ko
Kahit hindi na totoo, kahit puro nalang panloloko

Sa mata ko rin nakita na kahit anong lapit natin sa isa't isa ngayon
May pagitan pa ring malaki na di na kayang mapunan simula pa noon



Compilation of Tagalog Spoken Poetry Where stories live. Discover now