16 | Bullet for a Friend

315 16 6
                                    

JAMES' POV

"James!" si Jaycee habang nakataas ang isang kamay.

Napatingin ako dito. "Hey, bro."

"Akala ko pa naman ako na lang ang hinihintay dito, tsk." iritang sabi niya tsaka tumabi sa 'kin. "Where the hell are they?"

Nandito kami sa Tambayan ngayon. Kanina pa nagsi-uwian ang mga estudyante pero dahil sa magulang niya ang eskwelahan na 'to, we are still here. Baka nga abutin pa kami dito ng hanggang madaling araw eh.

"I don't know basta dumiretso ako agad dito pagkatapos ng date ko."

"Date or dates?" gusot na mukha niyang ulit.

"Its date with a big letter S in the end, bro."

Suminghal lang siya. "I already expected that from an ass like you but I'm still amused. By the way, napansin mo ba 'yung babaeng walang breeding?"

"Ah, si Yaya?"

"Yaya? Who's that?"

Tumagilid ako sa kanya. "Eh sino pa nga bang pinag-uusapan natin?"

"From who exactly did you get that nickname for her? Ampangit!"

"Well, excuse me. That's the nickname I've gave for her. Masyado kasing mahaba para sa 'kin ang babaeng walang breeding at no breed girl kaya naman —"

"Wait! So you're telling me that it was YOU, who gave her that nickname?"

Tumango tango naman ako.

"Sinong nagsabing pwede kang gumawa ng nickname para sa kanya?" tumaas ang isang kilay niya.

"At sino din ba ang nagsabing bawal? What do you expect me to do eh ayaw mo namang ipaggamit sa 'kin ang nicknames mo sa kanya dahil masyado kang madamot! Besides, there's nothing wrong with that."

"Nothing wrong, my foot.." dinig kong bulong niya.

"Possessive jerk.." bulong ko din pero sinigurado kong talagang maririnig niya.

"What?!"

"Huh?"

"I heard you. You said I'm a possessive jerk!"

"And so am I. Narinig ko din 'yung pagsabi mo ng nothing my, foot. Bubulong ka na nga lang hindi mo pa hininaan, psh."

Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya napahinto ako sa pagsasalita at tinignan muna 'yon.
Nang makita ko ang pangalan ng tumatawag sinagot ko na ito kaagad.

"Hello? This is James Victorino on the phone."

"JAMES!"

Nailayo ko sa tainga ko ang phone sa lakas ng pagkabungad ni Gian. Nagtaka ako kaya sinilip ko ulit ang pangalan ng number para kumpirmahin kung number nga ba ni Paolo 'to at nakitang sa kanya nga.

"Teka, bakit hawak mo ang phone ni Paolo? Magkasama ba kayo? Tell me what exactly is happening —"

"LISTEN, I DON'T HAVE TIME TO EXPLAIN IT ALL RIGHT AT THIS POINT PERO KAILANGAN NAMIN KAYONG DALAWA DITO."

"What the hell." nanlaki bigla ang mga mata ko. "Ano bang meron? Dali, sabihin mo na!"

"INAMBUSH KAMI NILA JAKE AT LASING SI PAOLO. HINDI KO SIYA KAYANG BANTAYAN HABANG NAKIKIPAGSUNTUKAN SO WOULD YOU MIND GOING HERE AND HELP US?!"

The Prelude of Facades (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon