05 | Pool Area

401 24 0
                                    

YASMIN's POV

Dismissal na namin kaya heto ako ngayon nagiisip kung saan ako tatambay. 'Di ko ramdam na kumain ngayon sa Cafeteria dahil baka mabwiset nanaman ako kapag nakita ko ang mga mayayaman na estudyanteng andoon. Lalong-lalo na ang unggoy na 'yon!

"Sa Field nalang kaya?" tanong ko sa sarili ko.

Eh kaso sobrang init ngayon doon.

"Sa.. Park?"

Parang ang weird naman no'n!

Napatingin ako sa may Rooftop.

Mainit din do'n eh.

"Eh kung sa may 4th Floor nalang kaya ako, do'n sa building ng Swimming Pool Area?"

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa naisip ko.

Buti nalang at may baon akong pagkain kaya hindi ko na kailangan pang dumaan sa Cafeteria. Dumiretso na lang ako kaagad sa pupuntahan kong building.

Medyo may pagsisisi ako ng piliin ko pa sa 4th Floor tumambay dahil talaga namang nakakahingal ang mga hagdan paakyat!

Pagdating ko sa mismong 4th Floor medyo nawala na ang paghingal ko nang makita ang magandang view ng University dito.

"Hmm.. Hindi naman pala masama." pinunasan ko ang pawis na namuo sa magkabilang noo ko bago naglakad.

Malawak dito at walang estudyante kaya malaya akong makakatambay. Pansin ko naman na malinis ang sahig kaya umupo at nag-indian seat agad ako.

Dito na kaya ako tumambay lagi tuwing dismissal? Tahimik at ako lang mag-isa, 'di ko makikita ang nakakainis na mga mayayamang 'yon at siguradong magiging payapa pa ako dito kahit papaano.

Binuksan ko na ang tupperware na baonan ko.

"Hmmm.. Buti nalang nakapagbaon ako ng Beef Steak ni Mama! HAHAHA" inamoy-amoy ko pa muna ito bago kinuha ang tinidor at kutsara.

Maya-maya pa ay may bigla akong narinig na kaluskos.

"Pusa lang siguro.." sabi ko pa.

Pero nakarinig pa ko ulit ng kaluskos.

"Daga yata o baka ilusyon ko lang." sabay subo ko ng pagkain.

Nawala naman ang kaluskos kaya sumubo na lang ako ng sumubo. Okay.. 'di naman siguro ako nag-iilusyon dahil pakiramdam ko may nanunuod sa 'kin. Nanindig bigla ang lahat ng balahibo ko sa katawan habang dahan-dahan 'kong nginunguya ang pagkain sa bibig ko.

Sabi nila wag nalang daw pansinin kapag may nararamdamang ganito, 'di ba? Kasi mas lalo ka lang matatakot kapag pinansin mo pa.

Palihim akong napatango at sumubo ulit.

Tama kapag hindi ko pinansin ito mawawala din agad.. Oo, tama. Mabuti pang bilisan ko nalang kumain para makaalis na ako kaagad dito.

Pinilit ko talagang hindi lumingon sa may likod ko habang pinagpapatuloy ang kinakain ko. Pero anlakas ng pakiramdam kong nandoon pa din ang kung sino at pinanunuod ako!

Sinabi din ng iba na face your fears, 'di ba? Pero hindi ko ata kaya harapin ang sa akin.

Ramdam kong nanginginig na ang mga kamay ko't nanlalamig habang nagsisimula nang mamawis ang magkabilang gilid ng noo ko. Pasimple kong ibinalik ang kutsara at tindor sa lalagyan nila at isinara ang tupperware ko na baonan.

Lilingon ako at kapag multo ang nakita ko tatakbo ako kaagad paalis! Okay, game! In 1, 2, 3

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!" malakas na tili ko nang lumingon ako sa likod ko pero nakapikit ang mga mata ko.

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now