09 | Dalawang Pares

349 19 0
                                    

JAYCEE's POV

Asan na ba 'yung Ms. Hermosa na 'yon? Halos kalahating oras na kaming lahat naghihintay dito sa Basketball Court pero wala pa din siya, tsk.

Kanina lang sinabi na Track Running ang magiging sport ng section ng mga 'to. Syempre sila lang dahil Seniors nila kami. Pero dahil nakiki-seat-in kami sa room at klase nila, medyo kasali kaming apat, medyo lang naman.

Maya-maya pa ay dumating na din ito.

"Lahat ba andito na?" bungad niya sa 'min.

"Sa wakas! Dumating ka na din, akala ko kasi gusto mo nang matanggal sa trabaho mo eh." ang sabi ko at pinagsama ang dalawa kong braso sa ibaba ng dibdib ko.

"My apologies, Mr. Figuerra."

Napasinghal ako. "Naturingang PE Professor at Adviser ka pa naman ng section na 'to tapos napakabagal mong kumilos? Kapag ako na ang may-ari nitong University bawal na ang ganyan."

Nakita ko pa ang marahang paglunok nito sa sinabi ko habang tumatango. Dapat lang talaga na mapalunok siya dahil hindi ako nagbibiro. Hindi ko gusto ang pinaghihintay ako, maiksi lang ang pasensiya na meron ako kaya 'di pwede sa akin ang ganito.

"Lahat naman siguro kayo ay alam na ang sport na nabunot ng Class President niyo kahapon, 'di ba?"

Muntik na akong matawa nang walang sumagot na kahit ni isa sa kanya.

"Yes, Ms. Hermosa!"

Agad naman akong napatingin sa kanya.

Naging sipsip na ba ang walang breeding na babaeng 'to?

Tumaas ang kilay niya sa akin na kinakunot naman ng noo ko.

"So.." tumikhim ito kaya napabalik ang atensiyon ko dito. "Simulan na ba natin?" naglabas ito ng mahabang metal stick.

Ano naman kaya ang panggagamitan niya sa metal stick na 'yan?

"Simulan ang alin?" tanong ng isang estudyante.

"Practice and training, ofcourse." sagot nito.

Itinaas ko ang mga braso ko at inilagay ang mga ito sa may likod ng ulo ko."Oh, sige na, simulan niyo na."

"Actually, Mr. Figuerra.."

Lumapit ito sa 'kin habang kinukumpas ang hawak na metal stick.

"What?"

"Dahil nakiki-seat-in kayong apat sa klase at room ng mga Juniors niyo, kasali kayo dito —"

"No, way!" reklamo ni James na busy kanina sa pag-cecellphone.

Itinulak naman ako ni Paolo. "Si Jaycee nalang ang isali niyo tutal siya naman ang nakaisip na maki-seat in dinamay niya lang kami!"

Aba't — Mga gago 'to, ah?!

"Sasali ako." nakataas pa ang kanang kamay na sabi ni Gian. Seryoso ang ekspresiyon na meron ito sa mukha bukod do'n wala na akong makitang iba.

"Are you serious, Gian?!" si James na lumapit pa dito.

Tinanguan lang siya nito at bumaling sa akin.

"Sumali ka at patunayan mong hindi ka isip bata."

Pagak akong natawa tsaka siya tinignan ng masama. Lalapit na sana ako dito nang puma-gitna agad si Paolo sa aming dalawa. Mukhang naramdaman na nito ang tensyon na biglang nabuo.

The Prelude of Facades (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon