18 | Who Cares and Worries

321 19 5
                                    

YASMIN's POV

Pagkatapos akong bigyan ng libreng sakay no'ng unggoy kagabi, magdamang lang akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Dinamayan ba 'ko ng unggoy na 'yon kagabi? Teka lang may nakakalimutan akong bagay.

Alam na niya na may gusto ako sa kaibigan niya! Gagamitin kaya niya 'yon laban sa 'kin? Ipagkakalat niya kaya 'yon sa buong school? Papasok pa ba ako ngayon? Argh, hindi ko alam!

Pinatong ko ang parehong braso ko sa mga mata ko. Bigla ko tuloy naalala 'yung nakita ko kagabi.

- FLASHBACK -

Nagmamadaling nilakad ko ang direksyon kung saan sila pumunta kanina. Tsismosa na kung tsismosa pero talagang nakiki-curious ako eh. Saan kaya sila banda dito pumunta? Ang laki-laki naman kasi ng hallway na 'to.

"Why are you like this?"

Napatigil ako. Kung tama ang pagkakarinig ako, boses ni Ms. Xandra 'yon. Sinundan ko kung saan nanggaling 'yung tunog, muntik pa sana akong lalagpas nang makita ko silang nag-uusap sa labas ng isang kwarto. Nagtago na lang ako sa kinatatayuan kong pader at nakinig.

"Why am I like this? Stop kidding yourself, Xandra." si Senior Gian. "You know why I'm like this."

"Gian, I didn't came back for you."

"You didn't? You purposely said before na maghintay ako dahil babalik ka. I didn't plead for that, you said that. You promised me that!"

"Yes, I did promise you."

"Then don't go again, stay here. Please.."

"Gian, don't make me lose the brother I —"

"I don't want you to treat me like a brother. I love you! Marry me.."

"I also love you, Gian."

- END OF FLASHBACK -

Hanggang doon lang ang narinig ko dahil pagkatapos no'n ginulat ako no'ng unggoy at nakita nila kaming dalawa. Pero tingin ko tama lang din na hindi ko na narinig ang buo nilang pag-uusap. Sigurado namang ang dulo no'n ay tinanggap ni Ms. Xandra ang proposal niya.

Masakit man pero masaya na 'kong masaya sila. Ginulo gulo ko ang buhok ko at nagpagulong-gulong sa kama. Ano papasok ba 'ko ngayon? Habang paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko may biglang kumatok sa pinto.

"NAK, BUMANGON KA NA D'YAN! HINDI KA PWEDENG UMABSENT SA SCHOOL. HUWAG MO NA 'KONG HINTAYING PUMASOK PA D'YAN AT HILAHIN KA PAALIS SA KAMA."

Umupo ako agad sa pagkakahiga.

"ITO PO, BUMANGON NA PO!"

Niligpit ko muna ang kama bago dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong maligo, nagbihis agad ako ng uniform at sinalukbit na ang bag sa balikat ko. Pagkalabas sa kwarto pumunta pa muna ako ng kusina, parang ngayon ko na lang ulit nakita na parehong ando'n sila Mama at Papa.

Masaya akong sumalo sa kanila at naupo. Kumuha ako ng kanin at ulam at tsaka nilagay 'yon sa plato ko. Susubo na sana ako ng kakainin nang bigla na lang nagsalita si Papa.

"Nak." binaba ko muna ang kutsarang hawak ko at tumingin dito.

"Bakit po?"

"Aalis kasi kami ng Mama mo bale mga ilang linggo din —"

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now