23 | He Who Stopped Waiting

354 8 0
                                    

JAYCEE's POV

"Kasama sila sa pupuntahan natin." tumigil siya bigla sa paglalakad kaya naman hindi ko na siya mahila.

"Pupuntahan? Saan?"

"Tsk, malalaman mo kapag andoon na tayo."

Pagkasabi ko no'n kusa na siyang nagpadala sa paghila ko.

Pagkalapit pa lang namin sa kanila napunta na agad ang mga mata nila sa kamay ko. Napangisi ako. Inilapit ko si Yasmin papunta sa tabi ko. Ramdam ko ang mabilis na paglingon niya sa 'kin kahit na hindi ko siya balingan ng tingin.

"Anong ginagawa mo?!" pagalit na bulong niya habang pilit na inilalayo ang sarili.

"Let's put formalities aside dahil simula sa araw na ito.. girlfriend ko na si Yasmin."

Tumingin si James kay Paolo at siniko ito ng mahina. "Paano ba 'yan? Panalo ako."

Inirapan naman siya nito.

"A-ANONG GIRLFRIEND KA D'YAN?! SIRAULO KA BA — HMPH!!! HMMMP!" tinakpan ko ang bibig niya.

Yumuko ako ng kaunti at bumulong sa tainga niya. "Ito ang gusto kong pambayad sa utang na loob."

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.

"Ayoko! Hindi ba't sinabi ko na din sa 'yo na pwede kahit na ano huwag lang 'yung mga bagay na ayaw ko?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ba't sinabi ko na din sa 'yo na 'yung ayaw mo ang gusto ko?"

"IKAW -"

Mabuti na lang nailayo ko ang paa ko dahil tangkang aapakan na sana niya 'to.

"Oh, tama na 'yan baka mahuli pa tayo." sabi ni Paolo.

"Yeah. Let's go!"

Paglingon ko kay Yasmin nahuli ko siyang nakatingin kay Gian. Habang si Gian naman ay abala sa pagsuot ng helmet niya. Kumunot ang noo ko.

"Hoy!" pagkuha ko sa atensyon niya.

Pinasadahan lang ako nito ng nakakainis na tingin.

Ang babaeng 'to — Talagang harap-harapan ah! Hindi siya takot maging obvious, ano?

Lumapit si James dito. "Hi, Yaya!"

"Hello, Senior James."

Tumingin sa 'kin ito at ngumisi.

What the hell is he thinking right now?

Inakbayan nito bigla si Yasmin dahilan para lumaki ang mga mata ko. Hindi pa nakuntento doon ang loko-loko at inilapit pa ito sa kanya. Mabilis at madiin na nagsara't bukas ang mga talukap ko, ako ba'y ginagago nito?

Hihilain ko sana ang braso niya nang hawakan 'yon ni James at inilayo.

"Gusto mo bang sa 'kin ka sumabay?" tanong nito sa mapanuksong paraan.

Saglit naman akong binalingan ng tingin ni Yasmin at tumango-tango.

"Anong tinatango-tango mo d'yan?! Sa akin ka sasabay."

"Uh-uh-uhh.. Ako ang pinili niya, bro." tumataas baba na mga kilay nitong sabi.

"Hey, narinig niyo ba 'ko? Tara na." si Paolo na nasa loob na ng kotse niya. "JC, dito ka na sumakay."

Gusto ko pa sanang magsalita pero hindi ko na lang tinuloy. Instead, dinuro ko na lang si James. At binigyan ko naman ng naniningkit na tingin 'yung isa bago tumuloy sa loob ng kotse.

The Prelude of Facades (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon