22 | Crossroads

442 12 0
                                    

YASMIN's POV

Ano ba 'yon? Bakit alog nang alog ang kama?

Pagbukas ng mga mata ko sinalubong agad ng mainit na sinag ng araw ang mga ito dahilan para mapapikit ako ulit. Humikab muna ako bago nag-unat ng mga braso.

Hindi ko ba sinara 'yung kurtina bago ako natulog? Tsaka bakit ang sakit ng batok ko? Oh, tapos 'yung mga binti ko namamanhid..

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang kalsada. Kalsada? Ah, nakalimutan kong wala nga pala ako sa bahay dahil sa nangyari kagabi.

Lumingon ako sa kaliwa ko. "AY WALONG PANDESAL!" bulalas ko nang maabutan ko siyang nagbibihis ng pantaas.

"HEY, TURN YOUR BACK!!" sigaw nito sa 'kin.

Agad ko naman siyang sinunod at tumalikod sa kanya.

"S-SORRY, SENIOR PAOLO! HINDI KO SINASADYANG MAKITA —"

"J-JUST STAY LIKE THAT. DON'T TURN YOUR BACK UNTIL I SAY SO, OKAY?!"

"O-OKAY!"

Diyos kong mahabagin! Ano ba naman 'to? Kagigising ko lang pero may nagawa na kaagad akong kahihiyan!

Sinampal ko ang pisngi ko.

Sa susunod kasi 'wag ka nang haharap basta-basta! Okay?! Okay?!

"I'm done.. You can turn your back now."

Dahan-dahan akong humarap.

"Sorry talaga, Senior —"

"It's fine, in fact its not even a big deal. Talagang nagulat lang ako. Can we not talk about it anymore?"

"Ah, oo! Magandang idea nga 'yan." pilit kong ngiti.

ANG AWKWARDDDDD! GAWAN MO NG PARAAN 'TO, YASMIN. GAWAN MO NG PARAAN!!

"Inumaga pala ako dito sa kotse mo?"

Tumango naman ito. "When you fell asleep I didn't bother to wake you up. Actually, it's because I.. also fell asleep."

"Ah..."

Bigla na lang may tumunog ng malakas. Napatingin ako sa kasama ko at gano'n din siya sa 'kin. Ano 'yon? Parang pareho pa ata kami ng iinisip.

Oh, tumunog ulit! Biglaan akong napahawak sa tiyan ko dahil sumakit 'yon. Teka — I-Ito ba 'yong tumutunog?!

"Are you hungry?" tanong niya nang makita akong nakahawak sa tiyan ko.

Mahihiya pa ba 'kong aminin? Aba syempre hindi 'no. Tumango tango ako agad. Bubuka na sana ang labi niya para magsalita pero inunahan ko na siya. Alam ko naman na ang sasabihin niya eh, pero magiging makapal ang mukha ko kapag hinayaan ko siya.

"Kaya ang maige pa uuwi na 'ko sa bahay namin at doon kumain."

"Then, do you want me to drive you home?"

"Hindi na. Nagawa ko na ngang mag-over night dito sa kotse mo eh, kaya ko ng umuwi mag-isa. Thank you na lang!"

"Okay."

Wow ang dali niya palang kausap? Ngumiti ako bago kinuha ang uniform at bag ko. Hinawakan ko ang handle ng pinto at pinindot 'yon pero ayaw bumukas. Hindi ba't bukas ito? Nilingon ko siya.

"Ah, Senior Paolo? Sarado 'yung pinto?"

"I've changed my mind. Actually, I want to drive you to your home." magsasalita sana ako pero kinontra niya agad ang nasa isip ko. "Let me. I just don't want to feel responsible for you if something happens."

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now