24 | Kabado

191 8 0
                                    

YASMIN's POV

Naglalakad ako malapit sa kanto ng kalye namin nang may makita akong pamilyar na kotseng nakaparada sa tapat namin. Hindi ko lang maalala kung saan pero sigurado akong nakita ko na 'yon noon.

Hindi muna ko tumuloy, nagtago ako sa likod ng pinakamalapit na poste ng ilaw.

Halatang mamahalin ang kotse.. Sino ang may-ari? O kaya naman, sino ang nasa loob?

Walang bumababa sa sasakyan.

Hindi kaya 'yon 'yung mga lalaking may kutsilyo no'ng kagabi?! H-Hindi naman siguro.. Wala namang kriminal ang binabalikan ang biktima kung pumalpak sila no'ng una, hindi ba? At tsaka nakita ko ang mga mukha nila. Teka, eh pa'no kung sila nga?

Napabuntong hinga ako bigla. "Anong gagawin ko?"

"Ano nga bang gagawin mo?"

"HMP —" sisigaw sana ako nang takpan nito ang bibig ko.

"Don't be scared."

Tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at tumingin sa kanya. "Sino ka —"

"Shhh.."

Tumaas ang kilay ko. "Senior Paolo?!"

"Gumagalaw na 'yung kotse, shhh."

Tinignan ko ang tinutukoy nito at nakitang umaandar na nga 'to.

"Hala, saan pupunta 'yon? N-Nakita ba 'ko?! Anong gagawin ko " pinaharap niya ako sa kanya, hawak ang mga balikat ko ay pinuwesto niya ako sa may pader bago hinarang ang katawan niya sa 'kin. "A-Anong —"

Siningkitan niya ako ng mga mata kaya hindi na 'ko nagsalita.

Maya-maya narinig kong dumaan 'yung kotse sa harap namin. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala akong ibang makita dahil sa nakaharang nga siya sa 'kin, dibdib niya lang ang nakikita ko.

Ngayong iniisip ko na, hinarang ni Senior Paolo ang katawan niya sa 'kin para hindi kami makita. Napakawalang kwenta nga naman ng poste na tinataguan ko kanina. Imposibleng hindi ako makita, halatang halata pa.

Binitawan niya na ang mga balikat ko at umatras. "Wala na sila."

"Sila?" nakakapagtaka sigurado akong tinted 'yung salamin ng kotse na 'yon eh. Paano niya nasabing sila? Paano niya nalamang hindi lang isang tao ang nasa loob no'n?

"Alam ko kung ano iniisip mo. Oo, sila. No'ng umalis kayong dalawa ni JC kanina sa Airport, dito ako dumiretso. Nakaramdam kasi ako ng kakaiba kaya pumunta ako, akalain mo, tama nga ang pakiramdam ko."

Kumunot ang noo ko. "Pwede ba 'kong magtanong, Senior Paolo?"

"Shoot."

Huminga muna 'ko ng malalim.

"Holdap o kidnap? Ano sa tingin mo ang pakay no'ng mga lalaki sa 'kin kagabi?"

"Isang tanong, mayaman ka ba?"

Gumusot ang mukha ko.

"I'm serious not sarcastic."

Ngumuso ako at umiling.

May punto siya do'n.

"Kung gano'n.. Anong kailangan nila?"

Nagkibit balikat siya. "Pero kung ano man 'yon, hindi na dapat pang alamin." Tinignan niya ako. "Delikado."

"Pero hindi ba mas magandang ―"

"Nope, not a good idea at all. Ang maipapayo ko, umuwi ka na, tawagan mo ang parents mo. Alam kong mag-isa ka lang sa inyo. Walang iba na nakakaalam ng impormasyon na 'to bukod sa 'kin and it needs to stay that way, or else.. Go home. Lock all possible entrance."

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now