Love~15

9.5K 222 14
                                    

Sumapit ang araw ng Alumni Homecoming. Hindi maiwasang kabahan ako. Para bang ito na ang judgement day para sa akin. At natatakot ako na mapunta sa wala ang lahat. Hindi ko sila matandaan pero alam kong makakakuha ako ng impormasyon.

Nagdududa din ako kung makikilala ba nila ako dahil binago na ako ng tuluyan ni Kyd. At hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito.

Matapos kong isuot ang mga dangling earings ay huminga ako ng malalim. Ibang iba na ako. Hindi ko na makilala pa ang pagmumukha ko.

"Bie lets go. Nagtext na ang mga kaklase ko dati. Gusto na daw nila tayong makita." ani Kyd at sumilip sa pinto. Hinarap ko sya at ngumiti.

"Sige,tara na." at lumabas na kami. Habang nasa byahe ay panay ang kwento nya,halatang excited sya,ako hindi ko mawari kung excited din ba ako o ano?

Pagkarating namin sa pinagdausan ay ang dami dami ng tao. Pero may mga nakalagay naman sa mga gilid kung anong section sila dati.

"Tara! Nandun yung dati kong section." at tinungo namin ang sinasabi nya. Lahat nang nasa pwestong iyon ay tinitingnan kami.

"Oh? Hindi nyo na ba ako kilala? Its me,Kydron Montecarlo." nakangising sabi ni Kyd.

"Ikaw na pala yan tol!" at nilapitan sya ng mga kaklase nya. Napatingin ako sa tatlong lalaki na hindi tumatayo. Kumalabog ang dibdib ko ng makitang nakatitig sa akin si Roo,pati yung dalawa nyang katabing lalaki.

"Guys! Guys! Huwag masyadong madikit! Magagalit ang misis ko." biro ni Kyd at lumapit sakin. "Hindi nyo ba sya matandaan? Yung transferee dati? Yung boyfriend ko? Si Jermaine Avelino yan! But now hindi na sya HE,she's now a SHE,pinaoperahan ko sya."

Napalunok ako. Kailangan pa bang sabihin yon? Anong gustong palabasin ni Kyd?

"Oh my god! Yung nadisgrasya nung graduation? Nasan ang Papa nya?" sabi nung isang babae.

"Ang tagal nyo na. At ginawa mo talaga syang babae ah?" sabi naman nung lalaki.

"Ganyan ako mainlove!" sagot ni Kyd at hinapit ako sa bewang.

"Maine? Ikaw na ba talaga yan? Totoo nga ang sinabi ni Roo." sabi nung isa sa mga katabi ni Roo.

"Kamusta ka na? Nasan si Tito?" sabi pa nung isa. Napatingin ako kay Roo na nakatingin pa din sa akin. Tapos tumingin naman ako kay Kyd,tumango sya.

"Hindi ko alam. Wala akong matandaan,sino ba kayo?" at nakita kong napanganga sila,biglang napatayo si Roo.

"Huh? Ako si Chael,ito naman si Toy,mga tropa mo kami. Matagal ka na naming hinahanap."

"Tama na siguro yan. Im sorry to say this,may amnesia si Maine at hindi na nya kayo kilala. Iba na sya." sabi ni Kyd at hinila ako. Naiinis ako,nabuko agad ako,parang hindi ko na malalaman ang katotohanan.

"Kyd tol. Can we talk?" ang seryosong sabi ni Roo ng lumapit. "Sa labas tayo."

"Sure." nakangising sabi ni Kyd,may kakaiba akong nararamdaman. "Bie,sige na,puntahan mo na mga kaklase mo." at sabay silang umalis ni Roo. Tinanaw ko lang sila habang papalayo sila. Ano kayang pag uusapan nila?

"I can't believe this." sabi nung Chael.

"B-bakit? May mga dapat ba akong malaman?" ang tanong ko dito.

"Tara muna sa mga classmates mo. Matutuwa sina Kim at Flexi pag nakita ka." ang pagsingit nung Toy.

"Sige." sabi ko,nauna silang naglakad at sumunod ako. Sila yun,tama nga si Kiernan,mga kaibigan ko nga sila.

"Oh! Sino naman yang kasama nyo aber?" sabi ng isang baklang maganda pero maikli ang buhok ng makalapit kami.

"Ang hilig nyo mang chix! Patay kayo sa amin." sabi naman nung babae. Nawiwirduhan ako,parang gusto ko silang yakapin,pakiramdam ko sobrang namiss ko sila kahit wala pa akong maalala.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now