Love~7

11.4K 250 15
                                    

"Ahem! Magtatanggal lang ng icecream kailangan gamitin ang dila? Anyare sa daliri mo? Napudpod?" ang biglang sabi ni Kim na ikinabalik ko sa katinuan.

"Sayang ang icecream." nakangising sagot ni Roo.

"Nako tol.." ang tanging sabi lang ni Chael. Ako naman parang na cardiac arest dahil sa ginawa ni Roo. Kung wala lang siguro akong ribs at balat,lumabas na ang puso ko sa dibdib ko. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko nagustuhan ko?

"Hala ka! Na trauma si Maine! Hindi na nakakibo!" bulalas ni Kim,tiningnan ako ni Roo,saka kumindat. Wala na,may nararamdaman na naman akong kakaiba. Parang yung umamin sa akin si Kyd. At hindi nga ako nagkamali. Biglang nagdilim ang paningin ko.

"Maine!" dinig kong sigaw nila at may yumakap sa akin.

~

Nagising ako na may naririnig na nag uusap. Hindi muna ako nagdilat ng mga mata at nakinig muna.

"Anyare ba dyan?" ang boses iyon ni Kim.

"Nangyari na yan sa kanya dati eh diba?" boses naman iyon ni Chael.

"Nag overload. Ganyan sya pag hindi kinakaya ng sistema nya yung nangyari." boses naman ni Roo.

"Ganun? Edi ikaw pala rason. Haliparot ka din eh,pwede namang daliri ang gamitin,bakit dila pa? Pwede namang magsabi. Naku Im sure naguluhan yan si Maine kaya nag overload." ang sabi naman ni Kim. Tama sya,hindi ko talaga kinaya,ganitong ganito din yung kay Kyd. Sobrang nakakahiya na talaga. Pero hindi iyon ang dapat kong isipin,dapat kong isipin kung ano ang nangyayari sa akin,bakit biglang naging ganun si Roo? At bakit ganun na lang ang epekto nya sa akin.

Naramdaman kong may umupo sa kama at humaplos sa buhok ko. "Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko eh. Pakiramdam ko,pag wala akong ginawa,magsisisi ako habang buhay." si Roo pala.

Teka? Anong ibig nyang sabihin?

"Tol,kumplikado yan,baka magkabungguan na naman kayo ni Kyd. Kung ako sayo,ibaling mo na lang sa iba." ang sabi ni Chael na halata sa boses ang pagkabahala.

"Hindi ko alam,bahal--"

"Anong nangyari?" ang kunwari ay bagong gising kong sabi at tiningnan silang tatlo.

"Ewan sayo teh,bakit bigla kang hinimatay, ano ba nangyayari sayo?" ang sagot at tanong ni Kim at umupo din sa kama,umayos naman ako at sumandal sa headboard.

"Yaan nyo na nga lang." ang sabi ko na lang para huwag na iyong mapag usapan,tiningnan ko si Roo,nakatingin sya sa akin at nakangiti. Bakit ngayon ko lang napansin na ang gwapo nya talaga? Nauna na akong nagbawi ng tingin dahil nag e-eskandalo na naman ang puso ko. "Anong oras na ba? Kumain na ba kayo?" pagkuwa'y sabi ko at tumayo na.

"Tamang tama. Nagluluto si Tito ng tanghalian,aalis din daw kasi sya mamaya. Tara na." nakangiti pa ding sabi ni Roo at hinila na ako. Nginisihan naman ako nina Kim at Chael.

-----

"Grabe naman to? Kailangan restaurant talaga? Pwede namang sa fastfood na lang." ang agad kong reklamo kay Kyd ng magkita kami kinabukasan.

"Pambawi ko yan sayo,hindi ako nakatext at nakatawag sayo kahapon,alam mo naman,imbes na ngayong sunday ang bonding namin ni Dad eh ginawang kahapon na lang,busy na naman sya eh." nakangiti nyang sagot sabay kindat. Ewan,kakaiba talaga ang kilig na dulot sa akin ni Kyd.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko. Magkikita at magkakasama pa naman tayo sa school,ikaw talaga." naka ngisi kong sabi sa kanya.

"Syempre ako pa! Ayaw kong magkulang ng mga dapat kong gawin sayo. Baka maghanap ka ng iba."

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon